Facebook

Pag-extort at pagnanakaw sa mga turista nakakahiya – Romualdez

“Nakahahiya”!!!

Ito ang naiinis na reaksyon ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pinakabagong nakawan at panghuhuthot ng ilang personnel ng Office of Transportation Security (OTS) ng Department of Transportation (DOTr) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakailan.

Ipapatawag ngayong Lunes ni Speaker Romualdez ang mga opisyal ng DOTr para hilingin ang pag-reshuffle ng mga opisyal at tauhan ng OTS.

“Papaano pa tayo manghihikayat ng mga turista sa ating bansa kung mga magnanakaw o extortionist ang ilang mga nagbabantay sa ating airport,” galit na pahayag ng pinuno ng Kamara de Representantes.

Ayon sa kinatawan ng Unang Distrito ng Leyte, “habang abala sa panghihikayat ang Department of Tourism sa mga turista na pumasyal sa bansa, iba naman pala ang plano nitong ilang OTS personnel sa kanila.”

“Prayoridad ng Pangulong Marcos na palaguin ang tourism industry natin para makabangon tayo mula sa pandemya. Pero papaano tayo mag-iimbita ng mga bisita kung bantay-salakay naman ang ilang security natin sa airport?” tanong ni Romualdez.

Sinabi ni Romualdez, “I will recommend to DOTr Sec. Jimmy Bautista to replace all OTS personnel at the airport with honest and professional ones.”

Idinagdag pa ni Romualdez na payagang mag-reapply ang mga OTS personnel na may magandang rekord upang makabalik sa trabaho.

Ipinanukala pa ng speaker na sumailalim sa lie detector test at training ang mga kuwalipikadong makakabalik sa trabaho at maging ang mga bagong recruits.

The post Pag-extort at pagnanakaw sa mga turista nakakahiya – Romualdez appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pag-extort at pagnanakaw sa mga turista nakakahiya – Romualdez Pag-extort at pagnanakaw sa mga turista nakakahiya – Romualdez Reviewed by misfitgympal on Marso 04, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.