INARESTO ng pinagsamang pwersa ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) at Airport Police Department (APD) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1, sa koordinasyon ng Office of Transportation Security (OTS) at Manila International Airport Authority (MIAA), nitong Miyerkules ng hapon ang Security Screening Officer (SSO) mula sa OTS na tumatao sa X-ray matapos ireklamo ng Hong Kong- bound Chinese nat’l na ‘pinitik’ ang kanyang relos na nasa loob ng hand carry bag.
Kinilala ang naaresto na si SSO Valeriano Diaz Ricaplaza Jr. , 31, makaraang ireklamo ng dayuhang si Sun Yuhong nang mawala ang kanyang relo sa loob ng kanyang hand carry bag matapos na dumaan sa X-ray.
Itinanggi ni SSO Ricaplaza ang akusasyon ng dayuhan pero dinala silang pareho sa Closed Circuit Television (CCTV) room at dito ay nakita ang insidente kung saan kinuha ni Ricaplaza ang relo at agad itong inaresto ng mga pulis. Kasalukuyang itong nasa kustodya ng PNP-AVSEGROUP para sa mas malalim pang imbestigasyon.
Sinabi ni OTS spokesperson Kim Marquez na totoo sa kanyang binitawang salita si OTS Administrator Ma. O Aplasca na : “management will not stop performing its duties until we are down to the last scalawag within our rank and will never tolerate any illegal activities of our personnel.”
Sinabi pa ni Marquez isa lamang ito sa hakbang na ginagawa ng OTS management na tugunan ang matagal ng isyu tungkol sa kakulangan effective supervision upang maiwasan at mapigilan ang mga iligal na gawain sa screening checkpoint.
Ang gawain ng OTS Regional Heads at Terminal Chiefs ay regular na inspeksyunin, i-monitor at tingnan ang security screening operations upang agad na matuklasan ang iligal na gawain at maituwid agad ang mga kakulangang ito sa airport screening operations.
Ito ay lalo pang pinalakas ng palagiang koordinasyon ng mga airport authoritie tulad ng PNP-AVSEGROUP, Manila International Airport Authority at OTS. (JERRY S. TAN / JOJO SADIWA)
The post Screening officer na ‘pumitik’ ng relo ng Chinese nat’l, arestado appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: