Facebook

Wanted na Japanese nat’l, arestado ng BI

ISANG wanted na Japanese national sa kanilang bansa ang naaresto ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) nitong Miyerkules, Marso 1, 2023.

Ibinahagi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang kustodya ni Yoshiyuki Nishio, 59, ay ibinigay na ng National Capital Region Police Office Regional Intelligence Division sa BI.

Si Nishio ay una ng naaresto noong Pebrero 4 sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig sa paglabag sa Section 1 (k) ng RA 10883 o illegal transfer of plate, RA 4136, sa paglabag sa Land Transportation and Traffic Code, at Article 172 ng RPC o Falsification of Private Individual at paggamit ng palsipikadong dokumento.

Nabatid na si Nishio ay naaresto sa ng bisinidad ng kampo habang nasa loob ng sasakyan kung saan ang plaka ay iligal na ikinabit sa behikulo. Nagprisinta rin siya ng pekeng driver’s license.

Si Nishio, na may alyas na Kenjie Kimura, ay napag-alamang subject ng umiiral Summary Deportation Order na ipinalabas noong 2020.

Base sa impormasyong nakalap sa mga Japanese authorities, nabatid na si Nishio ay may arrest warrant na inilabas ng Osaka Summary Court noong September 2022.

May dalawa pa ring arrests warrants ang ipinalabas ng Tokyo Summary Court noong December 2019, at April 2022

Naiulat na si Nishio ay nagpanggap bilang pulis at staff member ng Financial Services Agency upang manloko ng mga Japanese nationals para ibigay ang kanilang bank details.

Siya ay kasalukuyang nakapiit sa pasilidad ng BI habang naghihintay na ipatupad ang kanyang deportasyon. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)

The post Wanted na Japanese nat’l, arestado ng BI appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Wanted na Japanese nat’l, arestado ng BI Wanted na Japanese nat’l, arestado ng BI Reviewed by misfitgympal on Marso 04, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.