
Maraming matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang ngising aso lamang sa idineklarang
1 -Strike Policy versus illegal gambling nitong si PNP chief,Gen. Benjamin Acorda Jr.
Mistulang basahan lamang ito na tinatapak – tapakan ng mga regional at provincial directors ng pambansang kapulisan.
Sadyang walang asim pala ang direktibang ito ng mamang heneral.
Tuloy lang ang pangungulekta ng timbre ng mga sikat na designated bagmen ng PNP sa mga illegal gambling operators.
Gaya na lamang ng PNP- CALABARZON na namumutakte na rin sa dami ng mga iligal na pasugalan (1602).
Hindi lang pala ang PNP Region 3 ang dapat bigyan ng pansin ni Gen Acorda dahil hinintay lamang palang tapusin ang “one- strike” policy sa 1602 nitong nagdaang May 16 na ginawa simula ng umupo si PNP chief.
Talagang pinatigil ang mga sugalan sa area ng PNP Region4A (CALABARZON) matapos umupo si chief PNP Acorda.
“Task Force Pagpapakilala” lang daw ang ginawa ng R2 at S2 ng CALABARZON para makahingi ulit ng panibagong timbre at goodwill. Hehehehehe… ayon pa sa source ng inyong lingkod, hiningian muna ang mga gambling operators ng “advance payola” at kinabukasan lang ay ipinatigil na rin ang mga gambling operators matapos ipag-utos ni PNP chief ang one strike policy against 1602. Ehh parang moro-moro lang pala ang ginawa dahil pagtapos ng ultimatum na hanggang May 16,2023 lang, ayun at parang mga kabuteng nagsulputan na naman ang mga iligalista sa buong CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas Rizal at Quezon).
Walanghiya, mistulang binudol lamang pala ng mga bagmen ng PNP- CALABARZON ang mga operators ng iligal na sugal dyan sa nasabing area.
Kuwestiyon de Pera lamang pala ang direktiba ni Gen.Acorda na pinagkaperahan lamang ng mga RDs at PDs ng kapulisan. At ang pamosong 1- Strike Policy vs illegal gambling ni Gen. Acorda ay mistulang fake news lang.
For media milage lang talaga ni chief PNP!
Saan man mga regions at probinsiya ay di naman tuluyang natigil ang RAKET sa gambling payola ng pambansang kapulisan.
Nananatiling namamayagpag ang iligal na sugal sa buong bansa.
Patunay lamang ito na walang takot at respeto kay Gen. Acorda ang kanyang mismong mga opisyal at tauhan partikular na nga sa Region 3 at Region 4A.
Bulag si Gen.Acorda sa real situation on the grounds.
Nganga sa madaling-sabi.
Yan ang tawag sa mga tinaguriang ” hinog sa pilit” na police generals na naipuwesto lamang sa poder dahil kababayang Ilokano ni PBBM.
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post 1- STRIKE POLICY NI GEN.ACORDA, FAKE NEWS! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: