Facebook

BAKIT TALAMAK ANG SUGAL SA BULÀCAN?

Sa kabila ng mahigpit na kautusan ni PNP chief, General Benjamin Acorda laban sa iligal na sugal,nanana tiling talamak ang presensiya ng mga iligal na sugalang ito sa lalawigan ng Bulacan.

Kung sa Metro Manila ay sunud- sunod ang pagraid na ginawa sa mga gambling dens,salungat ito sa AOR ni Bulacan Provincial Director, Col.Relly Arnedo.

Nagkalat sa hurisdikson ni Arnedo ang iba’t ibang uri ng sugal gaya ng mga peryahan na direkta umanong nagkakaloob ng timbre o intelihensiya sa tanggapan ng nasabing police official.

Dalawa umano sa mga kilalang kolektor ng payola sa Region 3 na nakakasakop sa Bulacan ay kinilalang sina alias PARAK at Jun Cruz na direktang kausap ng mga perya operators.

Ayon sa ating mga impormante,sina PARAK at Jun Cruz na kapwa pulis at naka-talaga sa Camp Olivas sa Pampanga ang lumikom at nang hingi ng panibagong “goodwill” matapos manumpa bilang bagong hepe ng PNP si Acorda.

Sina Parak at Jun Cruz umano ang nagtakda ng panibagong goodwill na ito sa utos na rin umano ni PNP Region 3 Director,Brig.General Jose Hidalgo Jr. na kilalang amo nina alias Parak at Jun Cruz.

Halos lahat ng bayan at siyudad sa Bulacan ay pinamumugaran umano ng mga peryang may sugal at nag-ooperate sa tungki ng ilong ng kapulisan at mga local at barangay officials.

Nananawagan ang mga residente ng Bulacan kay DILG Sec.Benhur Abalos na bigyan ng sanctions at kasuhan ang mga police at elected officials na protektor ng illegal gambling.

Samantala, iniulat din na ang mga elite units ng PNP gaya ng CIDG,IG at IMEG ay ipinangungolekta rin nina Parak at Jun Cruz ng payola bukod pa sa mga tanggapan nina Gen.Hidaldo at Col. Arnedo.

Kung ganito ang nakakapangyaring sistema sa PNP, totoo nga palang hopeless na ang taongbayan sa inaasam ng pagbabago at pagbabangong- puri ng pambansang kapulisan.

Nananatili itong bulok na institusyon ng gobyerno salungat sa mga naging pahayag ni PNP chief Gen.Acorda.

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post BAKIT TALAMAK ANG SUGAL SA BULÀCAN? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BAKIT TALAMAK ANG SUGAL SA BULÀCAN? BAKIT TALAMAK ANG SUGAL SA BULÀCAN? Reviewed by misfitgympal on Mayo 15, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.