Facebook

Apat na Sikat!

Kumpleto na ang Final Four ng NBA ngayong season. Denver vs LA Lakers sa West at Boston vs Miami sa East.

Yan din ang semi-finals cast noong bubble year sa DisneyWorld, Bay Lake, Florida taong 2020. Yung mga bida ng mga naturang koponan ay parehas pa rin. Nikola Jokic at Jamal Murray para sa Nuggets, LeBron James at Anthony Davis sa Lakers, Jayson Tatum at Jaylen Brown sa Celtics pati Jimmy Butler at Bam Adebayo sa Heat.

Ang tanong ngayon ni Ka Berong ay kung replay ba ang mangyari makalipas ang tatlong taon.

Pareho rin kaya ang maging resulta? Los Angeles kontra Miami muli kaya sa Finals na duwelo ng luma at bagong team ni LBJ. Ito rin nagharap noon sa dulo.

O maging Lakers laban sa Celtics na kapwa mga nais ng mga tagahanga dahil sa kanilang matagal na rivalry. Ang dalawa ay magtutuos rin kung sakali para sa kanilang ika-18 na titulo sa luga. Tila ito palagay ng mga eksperto na magaganap.

Pero teka huwag ninyo yan iparinig sa The Joker. Ayaw ng higanteng Serbian niyan at gagawin ang lahat upang sila naman ang manaig ngayon.

Ayon kay Mang Tomas ay hindi yan tulad ng PBA na alam mo na ang magkikita sa huli. Yun bang tawag sa Ingles ay”predictable”. Bakit may nagdidikta ba?

Abangan! Kapana-panabik sa NBA!

***

Nalulungkot si Aling Barang na walang mauuwing medalya ang Pilipinas sa women’s volleyball. Kahit daw tanso ay wala sina Alyssa Valdez na mabibitbit sa Maynila. Paano olat tayo sa Indonesia sa battle para sa 3rd place. Naganap ang laro habang nagbubunyi ang DLSU Lady Spikers sa pagwawagi ng korona sa UAAP.

Marami nga naman nagsasaya sa panalo ng mga taga-Taft nguni’t nagdadalamhati ang bayan sa pagkabigo sa Phom Penh.

Yung volleyball kasi sa atin ay sumikat na spectator sport pero kahit sa rehiyon ay balewala tayo, Ganyan din naman ang men’s basketball na ewan lang natin kung makabawi sa Cambodia sa muli nilang sagupaan.

Huwag naman sana idahilan ang linoleum na flooring o ang reinforcements na mga Kano na mga host. Batid na natin yan.

At sa mga nakapanood sa telebisyon ay sadyang masama game ng mga Pinoy. No excuses po.

Pinakamalakas sa sponsors nguni’t mahina sa labanan sa ibang bayan. Sorry state of PH team sports!

The post Apat na Sikat! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Apat na Sikat! Apat na Sikat! Reviewed by misfitgympal on Mayo 15, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.