Facebook

Bong Go sa DoH: Mag-deploy ng HCWs sa Pag-asa Island

Nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go sa Department of Health (DOH) na magpadala ng healthcare personnel sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs), partikular na sa Pag-asa Island, para mabigyan ng serbiysong pangkalusugan ang mga tao roon.

Binigyang-diin ni Go, pinuno ng Senate committee on health and demography, na ang mga GIDA, tulad ng Pag-asa Island sa West Philippine Sea, ay hindi dapat pabayaan pagdating sa deployment ng healthcare personnels.

Idinagdag din niya na ang mga nasabing lugar ay nangangailangan ng karagdagang atensyon at suporta upang matiyak na ang mga pangangailangang pangkalusugan ng kanilang mga komunidad ay maayos na natutugunan.

Binigyang-diin ni Go na ang bawat Pilipino ay karapat-dapat bigyan ng pantay na access sa dekalidad na pangangalagang pangkalusugan, anuman ang kanilang lokasyon.

“Mayroon din po tayong mga kababayan na nakatira doon at hindi na nila kailangan pang magbiyahe ng napakalayo. It will take them about a day to travel para lang makapagpagamot,” ani Go.

“Nakausap ko naman ang DOH at nilinaw nila na pag-aaralan ang profile ng Pag-asa Island at sisiguruhing lahat ng eligible municipalities will be prioritized in the deployment of the next batch of health care workers,” dagdag ng senador.

Nababahala si Go na ang kawalan o kakulangan ng mga medikal na tauhan sa GIDAs ay humahadlang sa paghahatid ng mga dekalidad na serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa maraming residente na walang access sa healthcare.

Dahil dito, binigyang-diin ng senador ang Republic Act No. 11223 o ang “Universal Health Care Act”, na naglalayong mabigyan ang lahat ng Pilipino ng pantay na access sa abot-kayang serbisyo sa kalusugan, anuman ang kanilang socio-economic status.

“Dapat gawan po ng paraan ng DOH na makapag-deploy ng mga kinakailangang health personnel sa Pag-asa Island. I also urged the Department of Health to send essential medicines there po sa Pag-asa Island para po ready po ang gamot,” iginiit ni Go.

The post Bong Go sa DoH: Mag-deploy ng HCWs sa Pag-asa Island appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go sa DoH: Mag-deploy ng HCWs sa Pag-asa Island Bong Go sa DoH: Mag-deploy ng HCWs sa Pag-asa Island Reviewed by misfitgympal on Mayo 27, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.