Facebook

FIRE VOLUNTEER, TIMBOG SA PHP 23 MILYON SHABU SA PARANAQUE

NAGING matagumpay ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Paranaque City POlice Substation 4 sa pakikipagtulungan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) makaraang madakip ang isang fire volunteer na kabilang sa ‘high value individual’ na nagtutulak ng illegal drugs sa isang barangay ng nasabing lungsod.

Sa ulat na natanggap ni Southern POlice District (SPD) Director PBgen Kirby John Brion Kraft ay nakilala ang suspek na si Jonnie Romo, alias ‘Han’,41, nakatira sa Balimbing St., Phase 3, Olivarez compound, Barangay San Dionisio, Paranaque City.

Ang suspek na hinihinalang sangkot sa illegal drug trade ay inaresto alas-2:50 ng madaling araw ( May 27) matapos makatanggap ng intelligence report ang mga otoridad dahilan upang magsagawa ng buy-bust mula sa nasabing lugar.

Ang operasyon ay nagresulta din sa pagkakasamsam ng isang knot-tied transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu, pitong knot-tied transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu, dalawang medium-sized na plastic tea bags na selyado ng lagyan ng label ang “Guar Yun Wang” isang medium-sized na transparent plastic sachet, ?1000 marked money na nasa ibabaw ng 139 pirasong boodle money (buy-bust money), asul na eco bag, brown na sobre at isang weighing scale.

Ang mga nasabat na iligal na droga ay may tinatayang tumitimbang ng 3,450 gramo na sinasabing may Standard Drug Price (SDP) na ?23,460,000.00.

Si Romo ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Parañaque City Police Station kung saan isinasagawa ang kinakailangang dokumentasyon. Ang mga nakumpiskang iligal na droga ay dinala sa PNP Southern Police District Forensic Unit (SPDFU) para sa quantitative at qualitative analysis.

Ang suspek ay inireklamo para sa paglabag sa section 5 at 11, article II ng Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) at isasampa sa pamamagitan ng inquest proceedings sa Office of the City Prosecutor, Parañaque City.

Pinuri ni NCRPO Chief PMgen Edgar Allan Okubo ang Parañaque City Police Station at ang Southern Police District sa pananatiling nakatuon sa misyon nito na puksain ang mga aktibidad ng ilegal na droga sa loob ng nasasakupan nito at walang sawang pagsisikap ng Kapulisan at ng lokal na komunidad sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan. (JOJO SADIWA)

The post FIRE VOLUNTEER, TIMBOG SA PHP 23 MILYON SHABU SA PARANAQUE appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
FIRE VOLUNTEER, TIMBOG SA PHP 23 MILYON SHABU SA PARANAQUE FIRE VOLUNTEER, TIMBOG SA PHP 23 MILYON SHABU SA PARANAQUE Reviewed by misfitgympal on Mayo 27, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.