Facebook

CAVITE GOVERNOR’ SQUAD, RIZAL MAFIA AT ALYAS JOHN YAP, RATSADA!

PALIBHASA’Y eksperto sa paggawa pagkakaperahan at bihasa din sa senaryo, kaya nakaisip ng paraan ang gambling lord na si alyas John Yap upang mapahupa ang nag-aapoy na isyu laban sa kanya at sa ilang PNP official sa R4-A, pinapalitaw na umaaksyon ang kapulisan sa rehiyon laban sa operasyon ng Perya ng Bayan (PnB) -con jueteng at iba pang uri ng vices sa Cavite at Rizal at ibang mga panig ng Region 4-A.

Ngunit sa totoo lang, lalong inilarga ng salot na si alyas John Yap ang pagpapa-iligal maging sa lalawigan ng Rizal kasabwat ang “Rizal Mafia” ng naturang probinsya at iba pang bahagi ng CALABARZON.

Ang mga mga katarantaduhang ito ni alyas John Yap ay batik sa imahe ng Pambansang Kapulisan na pinamumunuan ni PDG Benjamin Acorda Jr. at lalong nagsasadlak sa lusak sa PNP kung patuloy na kukunsintihin ng mga ito ang labag sa batas na operasyon ng Perya ng Bayan (PnB) at STL -con jueteng sa Cavite at Rizal.

Batay sa ulat ng ating mga KASIKRETA, nagsasagawa ng kunyari’y anti-gambling drive sa Cavite, kaya’t kaliwa’t-kanan ang pag-aresto sa mga kabo at kubrador ng PnB-con jueteng upang maibsan ang kabi-kabilang banat kina alyas John Yap kaugnay sa malawakang gambling operation nito.

Ngunit ayon sa mapapanaligang ulat, nagkutsabahan ang Pnb-con jueteng operator na si alyas John Yap at maging ang Governor’s Squad at pinagmukha ng mga itong “gulo ang tabakuhan” ng PnB sa Cavite.

Sinadyang ginulo nga ng mga tropa ng bayarang awtoridad ni alyas John Yap ang mga hayag na rebisahan ng PnB-con jueteng sa gimik din ng mga enkargado nitong sina Elwin, alyas Mayor Minong, Hero, Danilo, Erik at alyas MSgt Sevilla na kilala din sa alyas na Santiago at Tagoy at magkakasunod na ipinaraid ng mga ito ang kanila mismong mga kuta sa Cavite.

Ang iba namang kubrador ay isinuko ng kanang kamay ni alyas John Yap na si Danilo sa mga police station at pinalitaw na kunyari ay naaresto ng mga pulis-Cavite, sa mga operasyon ng pulisya laban sa PnB- con jueteng sa buong lalawigan.

Ngising kabayo naman sa galak si alyas John Yap sa dineriheng matinding anti-gambling drive sa Cavite ng mga tulisang nagpapakilalang Cavite Governor’s Squad ni Junvic Remulla?

Sa kabilang dako naman ang naging kawawa ang kalagayan ay mga pobreng kabo at kubrador ng PnB na nakulong, bagama’t iilan lamang sa mga ito ang nakasuhan.

Nakikini-kinita na walang kalam-alam sa mga pakanang ito si Cavite OIC PNP Provincial Director Chistopher Olazo lalo na sa tila circus at “palabas” na anti-gambling operation ng ilang korap nitong kapulisan sa kanyang hurisdiksyon. Nagmukhang propaganda lang tuloy ang pagiging OIC- PD ni Colonel Olazo sa Cavite?

Baka hindi rin alam ni Gov. Remulla na ginagamit ang kanyang pangalan ng grupo nina Elwin, Hero, Anacan, Danilo, Erik at alyas MSgt. Sevilla na isang WPD police scalawag sa pangongolekta ng tongpats sa iligal na PnB-con jueteng operation at iba pang labag sa batas na kitaan sa Cavite?

Habang pinagmumukhang “tolongges” si Cavite PD Olazo ng ilan nitong pinakakatiwalaang opisyales sa mga isinasagawang pekeng anti-gambling operation sa nasabing probinsya, ay pinaratsada naman ng grupo ng Rizal Mafia ang operasyon ng gambling at illegal drug ni alyas John Yap sa naturang lalawigan.

Sa pakikipagkutsabahan ng tinatawag na “Mafia sa Kapitolyo” na ang pasimuno ay si Barruga na “bagyo”kuno kay Governor Nina Ricci Ynarez ay inilarga sa buong probinsya ng Rizal ang STL-con jueteng lalo na sa siyudad ng Antipolo at mga bayan sa naturang probinsya.

Si alias Barruga na umaaktong “Rizal Mafia leader” kasama ang isang Quitloy ay kapwa kasapakat din ng isang alias Bong Sola na kilalang gambling lord sa probinsya ng Rizal at nag-ooperate din ng kalakalan ng droga sa Antipolo City at sa 18 bayan sa Rizal. Itutuloy…

***

Para sa komento: sianing52@gmail.com / Cp. No. 09664066144.

The post CAVITE GOVERNOR’ SQUAD, RIZAL MAFIA AT ALYAS JOHN YAP, RATSADA! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
CAVITE GOVERNOR’ SQUAD, RIZAL MAFIA AT ALYAS JOHN YAP, RATSADA! CAVITE GOVERNOR’ SQUAD, RIZAL MAFIA AT ALYAS JOHN YAP, RATSADA! Reviewed by misfitgympal on Mayo 27, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.