Facebook

Paniningil sa mga consumers ng NGCP, hindi makatarungan sa kabila ng mga delayed projects nito – AnaKalusugan Party-List

MARIING kinondena ni AnaKalusugan Party-List Rep. Ray T. Reyes ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa umano’y hindi makatwirang paniningil sa kanilang mga consumers sa kabila ng mga delayed projects ng ahensya.

Ito ang nadiskubre sa Senado kaugnay sa patuloy na pagdinig nito hinggil sa umano’y kwestyunableng power outage na ipinatupad ng NGCP na labis na nakaapekto at nakaperwisyo sa buong isla ng Luzon gayundin ang kabuuan ng Panay island kamakailan.

“Charging customers for a project that has not been completed should be considered a criminal act by NGCP,” diin ni Rep.Reyes.

Nabatid sa pagdinig ng Senate energy committee nitong Miyerkules, inamin mismo ni NGCP assistant vice president Cynthia Alabanza na ang NGCP ay nagpapataw ng singil sa kanilang mga consumers kahit pa hindi nakukumpleto ang mga proyekto nito.

“Hindi makatarungan na patuloy ang kita ng NGCP habang nagtitiis ang publiko sa dami ng delayed projects nila,” galit na saad ng mambabatas.

“Kitang kita na NGCP lang ang nakikinabang dito dahil hindi naman nararanasan ng mga consumer ang mga benepisyo na hatid sana ng mga delayed projects na ito,” dagdag pa niya.

Bunga nito, nanawagan si Rep. Reyes sa Energy Regulatory Commission (ERC) na patawan ng kaparusahan ang NGCP bunga ng kanilang mga delayed projects kung saan labis na nakaapekto ito para sa electricity supply ng bansa.

“There is no sense of urgency because we don’t hold NGCP accountable for its inaction. As our country’s energy regulatory body, the ERC should make sure that the consumers are not disadvantaged,” saad ni Reyes.

Batay sa records ng ERC, mayroong 72 delayed projects ang NGCP sa kasalukuyan kabilang na ang anim na energy projects ng gobyerno.

“Paulit-ulit na itong mga problema sa NGCP at kailangan natin silang panagutin sa mga aberyang nararanasan natin,” giit ni Rep. Reyes.

Ang legislative franchise ng NGCP ay naipagkaloob ng Kongreso sa pamamagitan ng Republic Act 9511 noong December 1, 2008 habang ang ERC ay binuo sa ilalim ng RA 9136 o mas kilala bilang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) of 2001 na may mandato para iregulate ang buong electric power industry ng bansa.

The post Paniningil sa mga consumers ng NGCP, hindi makatarungan sa kabila ng mga delayed projects nito – AnaKalusugan Party-List appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Paniningil sa mga consumers ng NGCP, hindi makatarungan sa kabila ng mga delayed projects nito – AnaKalusugan Party-List Paniningil sa mga  consumers ng NGCP, hindi makatarungan sa  kabila ng mga delayed projects nito – AnaKalusugan Party-List Reviewed by misfitgympal on Mayo 27, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.