Facebook

WELCOME TO THE GAME OF THRONES

MATINDI ang dagok na tinanggap ng ating pamanang kultural ng natupok ang Manila Central Post Office noong Mayo 22. Ang Post Office Building ay saksi sa maraming taon. Huling nagtamo ng ganitong pinsala noong labanan sa pagtatapos ng digmaan ng 1945. Maraming haka-haka at kwentong kutsero ang naglipana. Andiyan ang sadyang sinunog ang gusali ng Post Office dahil gustong ibenta ang lupa at gawing mall. Isa pang kwentong tayangtang na sinunog diumano ang gusali dahil ito ay upang itago ang mga anomalya tungkol sa National ID natin na kasalukuyang nakabalot din sa kotrobersiya. Tatapatin ko kayo, ang pagkatupok sa Manila Central Post Office ay sanhi ng kapabayaan at kawalan ng halaga sa ating pamanang kultura. Ito ay dahil sa kawalan ng halaga na ibinigay natin sa ibang mga gusali tulad ng Jai Alai sa Taft. Sa kalaunan, dahil sa kawalan ng interes sa pamana ng nakaraan, ito ay giniba.

Nakakalungkot at nakakagalit. Dahil ang Post Office ay idineklarang isang Important Cultural Property, hindi ito maaaring gawing mall. Nararapat na ang gusali ay ibalik sa dati nitong disenyo. Hindi rin maari ibenta ang lupa na kinatatayuan nito. Mas binigyan ko ng kahalagaan ang pangyayaring ito dahil mas mahalaga sa abang kolumnistang ito ang pangkalahatang pamana ng nakaraan, bagay na kailangan nating pahalagahan para sa susunod na henerasyon. Ayon kay batchmate Januario Ramos, ang nakaupong Postmaster Gen. ay batchmate natin Sa UST HS, si Luis Carlos. Sa panayam sa kanya ng mga reporters ay nabanggit niya na wala raw sprinklers yung nasunog na facility. Nakakalungkot isipin na hindi ito binigyan ng halaga. Hindi mahalaga na panatilihing ligtas sa sunog ang gusali. Kasalanan din ito ng mga sinaunang henerasyon na hindi binigyan ng halaga ang pamanang kultura. Huwag na tayong magsisihan pa. Ang mahalaga ay manumbalik ang pagmamahal, sa pinamana sa atin ng ating mga ninuno. Tayo ang tagapangalaga ngayon, huwag natin sila biguin at sayangin ang kanilang paghihirap. Atin ito. Pamana natin ito. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.

***

HALATANG obvious na isa-isang pinawalang-sala ang mga sangkot sa P10 bilyon na pork barrel scam. Ito ay matapos mapawalang-sala si Janet Napoles ang may pakana ng pork barrel scam na sumambulat na iskandalo noong administrasyon ni Benigno Aquino III. Bilang paglilinaw, nangyari ang iskandalo nong panahon ni GMA. Nakalaboso sina Juan Ponce Enrile, Bong” Revilla, Jinggoy Estrada at ang mga kasapakat nila. Dawit si Loren Legarda at ang kasalukuyang pangulo. Hindi natuloy ang imbestigasyon sa kanila. Halatang obvious na ang mga tentacles ng usual suspects na daga sa loob ng Kongreso ang may pakana dito. Sabi sa Ingles na “good things come in small packages”. Wala nang mas maliit na kasintulad ng aleng maliit sa Kongreso.

Batid natin na si Gloria Macapagal Arroyo, na itatago natin sa pangalang “Aleng Bubwit” ay kaalyado ng ama ni Inday Sapak, si Rodrigo Duterte. Dito makikita ang gulangan sa pagitan ng mga kasapakat. Patunay na walang paggalang sa pagitan ng mga magnanakaw. Kaya ilabas ang popcorn. Gusto ni Aleng Bubwit ang maging Speaker, pero pinili ni BBM ang kanyang pinsan na si Martin Romualdez. Nais ni Inday Sapak na maging DND secretary, ngunit itinalaga siyang DepEd secretary. Parehong makapangyarihan ang parehong puwesto. Iyon isa may “power of the purse,” at iyong isa nama’y “power of the gun.” Sa basbas ni Bonget, tinanggal ang Aleng Bubwit bilang Senior Deputy Speaker upang maiwasan ang anumang “coup” na maaaring isagawa ng Aleng Bubwit.

Maganda ang sapantaha ni dating sugo Sahid Sinsuat Glang na ang “power of the purse,” na pinagkukunan ng pondo para sa “pork barrel” atbp, ay ngayon sa galamay ng mga Marcos-Romualdez. Samantalang ang kapangyarihan ng “pambraraso” ay nasa galamay ng panig ng Duterte-Arroyo. Kahit hindi napunta kay Inday Sapak ang “defense Portfolio, paniniwala na maraming heneral sa AFP ang nananatiling tapat kay Rodrigo Duterte, nandoon ang ipinagyabang na “pinapakain ko ng pera ang mga heneral.” ‘Eka nga ni Sahid Sinsuat Glang “Welcome to the “Game of Thrones” between the Marcos-Romualdez faction and the Duterte-Arroyo faction. Abangan ang susunod na kabanata…”

***

Mga Harbat Sa Lambat: “Beware… Like Duterte, the Gloria Arroyo/ Sara Duterte faction has the full backong of the Chinese Communist Party!…” -Bob Blues Magoo, dating rock jock, netizen

“Ginawa ng tambayan ng mga tanga at bobo ang Senado na dati’y nasa tabi-tabi lang…”

-Shintaro Abe, netizen

***

Jok Taym:

Daghang salamat kay Rockstar Jace Joseph:

May nagtanong: “Manny, ano ba ibig sabihin ng ‘FR’ sa Alaxan?…”

Manny: “Ha? Yun lang hindi mo pa alam?…

Ang dali-dali!… E di ‘Fen Relever’ Naku naman!…”

***

mackoyv@gmail.com

The post WELCOME TO THE GAME OF THRONES appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
WELCOME TO THE GAME OF THRONES WELCOME TO THE GAME OF THRONES Reviewed by misfitgympal on Mayo 27, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.