
Weak leader umano itong si Bulacan Governor Daniel Fernando pagdating sa paglaban sa iligal na sugal.
Lelembut- lembot umano si Fernando at ang liderato nito pagdating sa mga peryahang may sugal na nagkalat ngayon sa kanyang probinsiya na humihigop sa perang pinaghirapan ng mga Bulakenyo.
Ito ang obserbasyon ng mga senior citizens ng Bulacan makaraang magsulputang parang mga kabute ang mga peryahang may sugal na ito sa tungki ng ilong ng mga awtoridad.
Mistulang parang walang gobyerno at kaayusan dahil nagsimula nang lamunin ng mga dayong peryante (perya operators) ang nasabing probinsiya para igumon sa opisyo ng pagsusugal ang mga Bulakenyo.
Mismong mga barangay officials ang nagsisilbing mga locators sa mga mga peryahang ito na lantaran may daya.
Dahil may blessing (timbre) si Kapitan at mga lokal na pulitiko,inutil ang kapulisan na hulihin ang mga mandarayang operators ng perya.
Walang siyudad o bayan sa Bulacan ang pinaligtas ng mga peryahang may daya.
Sina alias Louie, Ricky, Fred, Bonjing, Mane,Lanie at Lourdes ang umano’y namamayagpag ngayon bilang mga bigtime ng Bulacan.
Dahil nga patong si Kapitan,buong akala ng mga Bulakenyo ay sadyang legal na ang operasyon nito.
Kahit anong sumbong mo sa presinto ng pulisya ay walang nangyayari.
Pati ang Kapitolyo ay bulag,pipi at bingi sa issue.
Inutil sa dilang inutil ang tanggapan ni lelembut- lembot TVat seksing si Governor Daniel Fernando.
Dalawang personalidad ang kaladkad ang mga opisina… si police provincial director (PD) at police regional director (RD) na ipinangongolekta ng payola nina alias PARAK at JUN CRUZ.
Mga pulisan cum kolekTONG ng PNP Region 3.
Notorious sa mga puwesto ng mga pergalang ito ay yaong nasa Obando,Bocaue,Sta. Maria, Guiguinto, Pandi at Balagtas kung saan GARAPALAN ang daya na parang hinoholdap na ang pera ng mga mananaya.
Mistulang mga goons pa ng mga operators ng perya ang mga tanod ng barangay na halos buong gabing nakatanghod at nakabantay sa sugalan.
Lantaran din ang paggamit ng shabu ng mga tauhan ng mga peryahang ito na tumatayong poste o taga- abot ng grasya sa mga omuorbit.
May nakapagsabi sa inyong lingkod na pati pangalan natin ay ipinangongolekta sa mga sugalang ito ng kung sinong pindehong Herodes.
Binabanatan ko nga ang iligal nyong gawain, tapos titimbre ako sa inyo?
Unbelievable!
Kayo pa na ubod ng gulang ,makokotongan!
I don’t belong to your tribe!
Going back dito sa seksing gobernador ng Bulacan na si Daniel Fernando,totoo po ba governor na may isa kang tao dyan sa Kapitolyo na kausap ng mga peryante?
Ipinagyayabang kasi ng mga ungas na perya operators na naayos ka na raw nila Gov.Fernando ma’am este sir pala!
Sisikapin nating makuha ang panig ng seksing gobernador sa mga susunod nating pagtalakay sa isyung ito.
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post BULACAN GOV. FERNANDO, KENDENG-KENDENG LANG SA NAGLIPANANG SUGALAN SA KANYANG AOR appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: