
Nananawagan si Senador Joseph Victor Ejercito kay San Juan City Mayor Francis Zamora na huwag naman isama sa pamumulitika ang monumento sa Pinaglabanan Shrine sa lungsod ng San Juan.
Ito ang naging pahayag ni Ejercito sa pulong balitaan sa senado matapos na masaksihan mismo ng senador matapos ang kanyang pagsimba na giniba na ang istraktura o ang monumento nila Dr. Jose Rizal, Emilio Jacinto at Andress Bonifacio sa Pinaglabanan Shrine.
Labis na nalulungkot si Ejercito ng dahil aniya sa layunin na gibain ang istraktura na itinayo sa ilalim ng administrasyon ng kanilang pamilya mula sa pamumuno ng kanyang ama nasi dating Mayor at dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada ay nadamay pati ang monumento sa harap ng Pinaglabanan Shrine bilang historical landmark.
Katuwiran aniya ni Mayor Zamora ito ang nais ng National Historical Commission na ilipat sa loob ng Pinaglabanan Shrine ang monumento ng mga bayani.
Dahil dito nais ni Ejercito na pagpapaliwanagin ang National Historical Commission kung may katotohanan ba ang paliwanag ni Mayor Zamora.
Ipinakita pa sa media ni Ejercito ang photo kung saan nailipat ang monumento sa loob ng Pinaglabanan Shrine na halos hindi makita dahil natabunan na ng mga puno.
Ipinakita rin ng senador ang ipinalit sa Monumento ni Rizal na tila isang artistic stature na tila uod na hindi maintindihan ng senador na umanoy paglapastangan sa kabayanihan ni Gat Jose Rizal.
Para kay JV mas makakabuti na ibalik na lamang sa orihinal na kinalalagyan ang monumento ng tatlong bayani bilang landmark ng historical site ng Pinaglabanan Shrine. (CESAR MORALES)


The post JV NANANAWAGAN KAY MAYOR ZAMORA ‘WAG ISAMA ANG MONUMENTO SA PULITIKA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: