Facebook

PERGALAN SA LUCENA CITY HALL, PAIHI, ILLIGAL LOGGING KINUKUNSINTE NINA MAYOR ALCALA AT QUEZON GOV. TAN?

ANG Quezon ay isang lalawigan sa Region 4A na sa mahabang panahon ay pinagharian ng kilalang Suarez political clan, pero ang nakaraang election (May 9, 2022) ay hindi naging maganda sa popular na pamilyang ito dahil pinagwagihan ng isang itinuturing na neophyte political figure.

Matapos ang dekadang pinamunuan ang lalawigan, ang paghahari ng mga Suarez ay tinuldukan ng doktorang si Helen Tan, isa ring matagumpay na negosyante bago subukin ang magulong daigdig ng pulitika bilang gobernador.

Hindi maikakaila na sa liderato ng mga Suarez, ang illegal gambling tulad ng STL con jueteng, oil at petroleum pilferage na kilala rin sa tawag na paihi, patulo at pasingaw pati na ang illegal logging ay talamak ang operasyon sa ibat ibang lugar sa probinsya.

Kaya nga nang matalo ang mga Suarez sa nakaraang halalan ay natuwa, nagbunyi ang mga Quezonian dahil anila matapos ang maraming taon na inirereklamo ang mga illegal vice operation, ay sa wakas may bago na silang provincial executive na tutugon sa kanilang reklamo sa katauhan ni Gov. Helen Tan.

Ngunit tila nagkamali ang mga mamamayan ng Quezon dahil tulad ng namumunong Suarez family, si Gov. Tan anila ay mistulang bingi, hindi rin napapakinggan ang sumbong nilang operasyon ng mga iligal na sugalan, namumutiktik sa daming lugar ng paihian at higit sa lahat ay ng mapangwasak sa kapaligiran na operasyon ng mga illegal logger.

Imbes na mapahinto, lalong bumagsik at naging talamak ang operasyon ng paihi at pergalan (perya at sugalan) na kalat sa halos bawat bayan at siyudad sa lalawigan ng Quezon pero ang nakapagtataka’y tahimik lang si Quezon PNP Provincial Director Col. Ledon Monte at CIDG Provincial Officer LtCol. Mark Jayson Gatdula. Animo ay wala silang alam sa nagaganap na kailigalan sa kanilang area of responsibility (AOR).

Bilang pinaka-matataas na opisyales ng lalawigan, sina Gov. Tan at Col. Monte ay malaki ang pananagutan sa hindi nila pagkilos upang mapahinto ang mga iligal na sugal, paihi, illegal logging at iba pang kabulastugan na hindi naaayon sa itinatadhana ng umiiral na batas sa North/Eastern Part na ito ng CALABARZON.

Kung may pananagutan sina Gov. Tan at Col. Monte ay lalong malaki ang pananagutan ni PBGen. Carlito Gaces na kamakailan lang ay itinalagang R4A police director ng kareretirong PDG Rodolfo Azurin Jr, pinalitan si BGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na nahirang na head ng PNP Directorate for Investigation.

Sa halip na masawata ang mga iligalista, lalong naging garapal ang operasyon ng mga ito pagkat maging sa likod lamang ng new Lucena City Hall sa Brgy. Mayao ay pinahintulutang makapaglatag ng pergalan ang isang alyas Ajie, na kinikilalang reyna ng peryahang pulos sugalan.

Bagama’t may 15 kilometro ang layo sa Lucena City Police Office, tuwing gabi naman ay may nakatalagang unipormadong police mobile patroller sa pasugalan ni Ajie. May clearance ba ang deployment doon ng kanyang mga kagawad si Police Chief LtCol. Erickson Roranes?

Anang mga taga-Quezon, bagyo talaga sa lakas ang tomboy na si Ajie, ebidensya nito ay ang sangkaterbang color games, cara y cruz, beto-beto, sakla, kalaskas, drop balls at iba pang labag sa batas na table at card games, na nag-ooperate ilang hakbang lamang ang layo mula sa likuran ng Lucena City Hall kung saan nag-oopisina si Mayor Alcala.

Bukod sa Brgy. Mayao, Lucena City ay may mga pergalan ding nag-ooperate si Ajie sa mga bayan ng Agdangan, Gumaca at Calauag. Gamit ni Ajie ang pangalan ni Gobernadora Tan para sindakin ang mga police chief at mga alkalde at malayang mailatag ang kanyang mga pasugal sa kanyang kunyari ay tradisyunal na peryahan.

Sa Brgy. Lutucan sa bayan ng Sariaya ay nag-ooperate din ng pergalan na may shabuhan ni Luisa at ang kasosyo nitong si Mesio; sa Brgy. Paisa, Tiaong ay kay Jun; San Antonio Bayan ay kay Luisa din; Poblacion Tiaong ay kay Glenda; bayan ng Infanta ay kay Otso; sa Gen. Nakar ay kay Bobuy; Brgy. Antonino, Tiaong, Brgy. Guisgis at Brgy. Montecillo sa bayan ng Sariaya ay kay Lyn at Alex sa Brgy. San Isidro sa munisipalidad ng Tiaong.

Ang mga kuta ng paihi, pasingaw, patulo o burikiay matatagpuan sa Brgy. Lalig sa bayan ng Tiaong na inooperate ni Troy, Brgy. Bocohan, Lucena City na ang operator ng pasingawan ng LPG at burikian ng petroleum/oil product ay si Eric, si Lanie na operator ng burikian sa Brgy. Malabanban, bayan ng Candelaria at bayan ng Guinyangan na pinatatakbo ni alyas Sammy.

Aktibo din ang may 160 na mga magtotroso at iba pang illgal logger sa Quezon kabilang dito sina alyas Kap Nogi, Ramil at Charlie ng bayan ng Gumaca, Macoy ng Agdangan, alyas Sgt. Tagoy ng Padre Burgos, Alex ng Unisan, Rickson, Martin, Dag, Ursua, at Valiente, lahat ay taga- Mauban. Protektado ang mga ito ng ilang DENR at PNP official na nakabase sa lalawigan at sa rehiyon. Anyare na sa iyong probinsya Gov. Tan, Mayor Alcala, PBGen. Gaces at Col. Monte? Abangan ang karugtong…

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144

The post PERGALAN SA LUCENA CITY HALL, PAIHI, ILLIGAL LOGGING KINUKUNSINTE NINA MAYOR ALCALA AT QUEZON GOV. TAN? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PERGALAN SA LUCENA CITY HALL, PAIHI, ILLIGAL LOGGING KINUKUNSINTE NINA MAYOR ALCALA AT QUEZON GOV. TAN? PERGALAN SA LUCENA CITY HALL, PAIHI, ILLIGAL LOGGING KINUKUNSINTE NINA MAYOR ALCALA AT QUEZON GOV. TAN? Reviewed by misfitgympal on Mayo 08, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.