Facebook

G7 BACK UP NI PBBM

NAGHAYAG ng pag-suporta kay Pangulong Bong Bong Marcos ang pitong lider ng mga bansa na kasapi sa Group of 7 o’ G7 na tinatawag, nang manawagan ang ating lider sa pagpupulong nila sa Japan na lahat sana ng bansa ay sundin ang mga isinasaad ng ‘international laws’ upang masiguro ang kapayapaan at katatagan ng Indo-Pacific region.

Ang meeting na yun ng G7 para sa taong 2023 at ang Quadrilateral Security Dialogue (QUAD) summit ay nagtapos sa isang resolusyon na pumapabor sa Pilipinas hinggil sa mga isyung kinabibilangan nito.

Ito ay kinumpirma pa ni Japanese Ambassador to the Philippines na si Koshikawa Kazuhiko kung saan nagsabi ito na ang iba pang kasapi ng G7 ay nais maresolba ang pangdaigdigang hamon sa pag-aagawan ng teritoryo sa karagatan ng West Philippine Sea at ng South China Sea.

Kailangang manatili raw ang payapa o maayos na paglalayag sa mga karagatang ito, kasama maging ang paglalakbay sa himpapawid ng Indo-Pacific region sa tulong ng mga bansang kasapi din sa Association of Southeast Asian Nations kabilang na ang Pilipinas.

Lagi naman nang iginigiit ni PBBM ang isyung ito sa anumang pagpupulong na kanyang dinadaluhan, at ang dapat nga raw, ay ibase ang usapin sa United Nations Convention on the Law of the Sea, o UNCLOS, upang mapigilan pagmulan ito ng kaguluhan.

Ito ha, galing kay Kazuhiko ito, ang pitong lider raw ng G7 ay naniniwala na walang basehan ang pinaggagawa ng mga Tsengwa na magtayo at palawigin ang teritoryo nito sa mga karagatang nabanggit. Hindi raw tama na pinalalakas nito ang kanilang militar at inilalagak sa mga artipisyal na mga islang ginawa na nila doon.

Ano-ano bang bansa ang kabilang dito sa G7? Bukod sa USA, ang G7 ay binubuo ng mga bansang is Canada, France, Germany, Italy, Japan, at United Kingdom, pati na ang European Union na parang ‘saling-cat’ lamang.

Kung ang mga bansang yan ang back-up ni PBBM, eh parang nasa likod natin ang “Marvel Heroes” na binubuo ng mga super hero ng komiks. Ngunit di tayo naglilibang lamang sa usaping ito. Ang akin lamang ay makita na sana ng mga Tsengwa kung sino ang back-up ni PBBM. Na hayagang nagsasabi na mali na ang ginagawa nito.

Eh tama naman talaga tayo, lalo na ang ating Pangulo na wala tayong ipinagmamalaki kung di ang ating karapatan sa mga teritoryong ating naman talaga, batay sa UNCLOS. Ang West Philippine Sea, ay talaga namang pinanghihimasukan na ng China.

Kaya kung papakinggan lamang ng mga Tsengwa itong si Kazuhiko, matatauhan ang mga ito, bukod pa na kapag kanilang nalaman, na G7 ang back-up ni PBBM ay matatauhan na ang mga ito.

Pero may katangian ang mga Tsengwang, wala tayo. Ang mag-tanga-tangahan pag-na corner ito o’ napatunayan mong nagka-mali sila.

The post G7 BACK UP NI PBBM appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
G7 BACK UP NI PBBM G7 BACK UP NI PBBM Reviewed by misfitgympal on Mayo 31, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.