Facebook

GANUN NA LANG

Isang taon na ang nakalipas ang halalan subalit ganun na lang at ‘di hahanapin ang katotohanan sa pinakamabilis na bilangan sa kasaysayan ng halalan sa bansa. Kauna-unahang pangyayari na natapos ang halalan na tila walang balakid sabi ng COMELEC. Subalit, bakit may gusot sa mga presinto sa buong kapuluan. At hindi pa nagsisimula ang bilangan heto’t nakapasok na ang 20 Milyong boto sa Transparency Server na ‘di mawari kung saan – saang Vote Counting Machine nanggaling o sadyang naroon bago pa man ang halalan. Napakabilis ang kaganapan na tinalo si Speedy Gonzales at Road Runner na gumulat sa maraming Pinoy higit sa mga tauhan o mga guro sa antas ng presinto na naghahanda sa bilang ang gagawin, opo naghahanda. Para saan pa ang gagawing bilangan. May Mahika bang naganap sa halalan?

Sumandaling silipin ang ilang kaganapan bago pa ang halalan 2022, batid ni Mang Juan na nagkaroon ng dagdag bawas sa mga bobotante. Tama, nagdagdag bawas ang COMELEC ng mahigit na 10M botante upang linisin kuno ang listahan sa halalang naganap noong 2019. At bago ganapin ang halalan sa 2022, nadagdag ng higit sa 15M o 28% na bagong rehistrong botante na pinakamataas na pagpapatala na naganap. Sa kasaysayan ng talaan ng mga bagong botante, hindi tumataas sa 3% ang dami ng bilang ng mga bago o nagbabalik na botante. Subalit hindi naging malaking usapin ito. At kung babalikan ang dami ng bumoto kay Boy Pektus sa halalan, kasing dami ang lamang na ilayo sa pinakamalapit na katunggali. Ganun na ganun!

Maraming naganap na dayaan sa mga naunang mga halalan ngunit ang 2022, ang pinaka sopistikado kahit gamit ang makabagong teknolohiya. Sa loob ng ilang oras nagulat at natulala ang taong bayan sa naganap na bilangan at pagtiyak na may nanalo na sa panguluhan. Hindi nakakibo ang masa maging ang mga tumakbo sa pambansang halalan na sa loob ng ilang minuto o oras ay sinasabing may nanalo na. Ang masakit natulala at nawalan ng balanse ang sinuman upang tanungin kung paano o ano ang nangyari’t halos tapos na ang halalan. At kung tatanawin sa karaniwang paningin, tila tama ang mga resulta ngunit sa matanglawin tulad ng isang nagtapos sa Berkeley University, may sistematiko at malawak na dayaang naganap. Hindi niya maisip kung paano ang mga inhenyero’y sa bansa na tulad niya’y nagwalang kibo sa naganap na dayaan.

Sa totoo lang, binigyan ng oras aralin kung bakit napakabilis ng bilangan sa halalan, ngunit tulala’t alang ginawang kilos ang dapat magtanong sa kabilisan ng resulta ng bilangan. Naaral ang kapasidad kung gaano karami ang maaaring pumasok at bilangin ng TS mula VCM, ang oras ng pagpasok na napaka halagang batayan ng dayaan. Samantalang hindi nagtutugma ang dami ng bilang ng boto sa parehong oras na ipinadala galing sa mga VCM tungo sa TS. At sa pagdaka’y naging magkatugma. Magaling ang operators ng Smartmatic.

Sa mga matang lawin, ang unang sigwa ng bilangan kita na ang programming kung saan galing ang bibilangin at para kanino. Malinaw na may resulta na bago pa man ang takdang bilangan at ito ang dahilan kung bakit maagang nagsasaya na ang mga vloggers ng nanalong kampo hindi pa man nag-uumpisa ang bilangan. Nariyan si Marites na nasilip si Galema ng Malacanan na kausap ang mga vloggers na mag post-hinggil sa nalalapit na panalo sa oras na binangit nito.

Sa nakaraang kaganapan hindi naghahanap ng recall sa halalan subalit ang makita ang katotohanan sa likod ng mala delubyong resulta ang hangad upang mahalawan o mapulutan ng aral para sa susunod na mga halalan. Batid na walang aamin sa mga pandaraya ngunit ang may lumutang na magpapaliwanag sa antas ng mga tumao sa nakaraang halala’y sapat na upang ‘di maulit ang mapait na halalan. Umaasa na sa paglutang ng isang makabayang programmer ay mabibigyan pansin ang mga hakbang na kailangang gawin, ng ‘di maulit sa hinaharap. Mahalaga ang halalan higit sa mga Pinoy na hanapbuhay ang panahon ng halalan. Ang mabigyan ng tapat na resulta sa halala’y isang serbisyong ‘di malilimutan.

Subalit ang pagsusumamo para sa malinis na halala’y isa lamang pangarap dahil sa kagalingan ng Tserman ng COMELEC. Di batid kung nagpapa importansya na kailangang ipadala sa kanila ang mga resulta sa halalang pang barangay na gaganapin sa Oktubre, bago ang mga proklamasyon. Sa totoo lang, sapat ang kakayanan ng LGUs na tauhan ang halalang pambarangay at bakit kailangan pang dumaan sa COMELEC ang resulta sa halalang pambarangay. O’ tila kinakabahan si Tserman na tapyasan ang pondong papasok sa tanggapan kung sa LGU’y maaari ng malaman at maihayag ang mga mananalo sa halalang pambarangay.

Sa totoo pa rin, isang mahika ang nais ni Tserman Garsiya dahil sa dami ng henyo sa bansa at baka maitali ang resulta sa naganap na halalang pambarangay sa usapin ng bilangan sa katatapos na pambansang halalan. Ang makita sa kung saan galing ang botong inilayo ng nanalong kandidato. Napaka halaga nito dahil sa mga pahayag na ang nakaraang halalan ang isa sa pinaka malinis na halalan sa nakaraan. Ganun ba?

Subalit iba na ang sitwasyon at kumikilos si Mang Juan ayon sa takbo ng lideratong nakapanumpa bilang pangulo. Tumalima na ang lahat maging ang mga unipormadong tauhan sa bansa. Tangap na ang nangyari ngunit patuloy ang pagiging vigilante sa usapin ng ituwid ang mali sa nakaraan. Kung nagkamali sa pagtangap, ang resultang lalamanan ang mga tiyan ng bawat Pinoy ang malaking usapin lalo’t duda sa lideratong nasa itaas. Patuloy na maging mapagmatyag at kung kailangan magparating ng kahilinga’y gawin ng hindi patumpik tumpik. Huwag magdalawang isip na magpaabot ng nadarama dahil ito ang ‘di narinig sa nakaraang halalan. Naging tahimik tayo noon ngunit at tinanggap ang hatol ng SMARTMATIC ngunit hindi sa ngayon at sa kinabukasan. Ang halalang pambarangay’ gawing halalang lokal at ‘di Pambansa ng malaman ang kalokohan sa nakaraan. Lalabas ng kusa ang katotohanan sa pagtangan ng LGU sa halalan pambarangay. Ganun lang yun’ Bayan.

Maraming Salamat po!!!

The post GANUN NA LANG appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
GANUN NA LANG GANUN NA LANG Reviewed by misfitgympal on Mayo 25, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.