Facebook

DURUGISTANG BARANGAY OFFICIALS, IN WATCHLIST!

DURUGISTANG BARANGAY OFFICIALS,
IN WATCHLIST!

Mayroong 430 opisyal ng barangay ang binabantayan ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa iligal na droga.

Sinabi ni PNP chief, Police General Benjamin Acorda Jr, na ito ang impormasyon na ipinarating sa kanila ng kanilang intelligence department.

May mga iba’t-ibang partisipasyon ang nasabing mga barangay officials sa kalakaran ng iligal na droga.

Karamihan sa mga ito ay mula sa Region 6 at mayroon din sa National Capital Region (NCR).

Pagtitiyak ni Acorda na babantayan ng kanilang kapulisan ang galaw ng mga barangay officials lalo na at nalalapit ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ang nakakapagtaka nga lamang,isang taon pa lamang nakaupong Pangulo ng bansa si PBBM pero ganito na kalala ang sitwasyon.

Paanong babantayan ng kapulisan ang mga durugistang barangay officials gayung mismong mga pulis ay din sangkot sa kalakalan ng iligal na gamot?

Ika nga,walang moral ascendancy para pamunuan ang isang uri ng seryosong pakikipaglaban kontra illegal drugs.

Marami rin sa mga tatakbong barangay officials sa Barangay at SK elections ay financially back- up din ng mga drug personalities.

Ika nga,pasok na sa sistema ng gobyerno Pinoy ang tinaguriang “narco politics” kung saan ang mga sindikato ng droga ang nagdidikta kung saang direksyon patutungo ang mismong gobyerno.

Isa pang malaking factor ay ang klase ng liderato sa pamahalaan na sa tingin mismo ng PNP ay malatuba at mahina kumpara sa makapangyarihan at well- connected drug rings.

Sa kasalukuyang bilang ng mga barangay officials na direktang sangkot sa illegal drugs,may pangambang madoble pa ang bilang ng mga ito sa susunod na taon unless isang drastic move ang gawin ng mga awtoridad.

Kung nagawa ng gobyernong Duterte ang isang no-nonse all-out war laban sa droga ng kapanahunan nito,wala tayong makitang dahilan para di ito magawa ng Marcos Jr. administration.

Wag lang lelembut- lembot ang gawing approach at efforts.

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post DURUGISTANG BARANGAY OFFICIALS, IN WATCHLIST! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DURUGISTANG BARANGAY OFFICIALS, IN WATCHLIST! DURUGISTANG BARANGAY OFFICIALS, IN WATCHLIST! Reviewed by misfitgympal on Mayo 26, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.