Facebook

51 KILOS ASSORTED FRUITS AT PROCESSED MEAT, NAKUMPISKA SA NAIA TERMINAL 1

UMABOT sa 51 kilo ng sari-saring prutas at processed meat ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Plant (BP) and Animal Industry (BAI) sa pakikipagtulungan ng Bureau of Customs (BOC-NAIA) matapos na dumating ang isang pasaherong dayuhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1.

Nakumpiska ng mga opisyal ng quarantine sa paliparan ang humigit-kumulang 46.5 kilo ng sari-saring prutas na galing sa Vietnam na dinala sa bansa ng isang Vietnamese passenger na sakay ng Philippine Airlines flight.

Ang mga nasamsam ng airport authority ay binubuo ng 21.5 kilo ng Mangosteen, 6 na kilo ng mangga at 20 kilo ng Pomelo, isang citrus fruit habang 2 papasok na pasahero mula sa Xiamen, China na lulan naman ng Xiamen Air flight MF 817 ay nahulihan ng 4.5 kilo ng processed meat.

Ayon sa isang opisyal ng BOC, ang nasabing mga prutas at processed meat ay kinumpsika dahil nabigo ang mga pasahero na makapag-produce ng import at health certificates mula sa Port of Origin at clearance mula sa BPI at BAI matapos sumailalim sa X-ray scanning ang kanilang mga bagahe sa airport.

Sinabi ng Customs, BPI at BAI na “ang mga manlalakbay ay hindi maaaring magdala ng mga gulay, prutas at karne at mga produktong karne anuman ang dami sa Pilipinas nang walang kinakailangang clearance mula sa Department of Agriculture.”

Ipinagbabawal din ng Pilipinas ang lahat ng pre-packaged processed foods na naglalaman ng mataas na antas ng trans-fats bilang bahagi ng layunin nitong ganap na maalis ang kanilang presensya sa 2023. (JOJO SADIWA / JERRY TAN)

The post 51 KILOS ASSORTED FRUITS AT PROCESSED MEAT, NAKUMPISKA SA NAIA TERMINAL 1 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
51 KILOS ASSORTED FRUITS AT PROCESSED MEAT, NAKUMPISKA SA NAIA TERMINAL 1 51 KILOS ASSORTED FRUITS AT PROCESSED MEAT, NAKUMPISKA SA NAIA TERMINAL 1 Reviewed by misfitgympal on Mayo 26, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.