Facebook

Panukalang magbibigay proteksyon sa mga lupang pang agrikultura aprub na sa Kamara

PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 8162 o panukalang National Land Use Act.

262 na mambabatas ang bumotong pabor sa panukala na kabilang sa priority legislation ng Marcos Jr., administration.

Layunin nito na maglatag ng polisiya para protektahan ang mga lupang sakahan, irrigated at irrigable lands, lupa para sa high-value crops, at ibang lupang pang-agrikultura sa conversion na magreresulta sa problema sa kalikasan.

Nakapaloob sa panukala ang pagtatag ng National Land Use Commission sa ilalim ng Office of the President na siyang papalit sa National Land Use Committee.

The post Panukalang magbibigay proteksyon sa mga lupang pang agrikultura aprub na sa Kamara appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Panukalang magbibigay proteksyon sa mga lupang pang agrikultura aprub na sa Kamara Panukalang magbibigay proteksyon sa mga lupang  pang agrikultura aprub na sa Kamara Reviewed by misfitgympal on Mayo 26, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.