
Tiniyak ng bagong hepe ng Pambansang Pulisya na si Police General Benjamin Acorda, Jr. na tuluy-tuloy ang paglilinis sa hanay ng mga pulis na nasasangkot sa iba’t ibang kontrobersiya lalo na sa illegal gambling.
Sa kanyang naging speech sa Change of Command Ceremony sa Camp Crame kamakailan, nagpasalamat ito kay dating PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. sa pagseserbisyo sa PNP at pagsisilbing inspirasyon upang mabalik ang moral at tiwala ng publiko.
“Rest assured, Sir, that I will continue your advocacy in cleansing the PNP,” ani Acorda.
Ayon kay Acorda, walang sinumang pulis ang dapat na masangkot sa paggamit, pagtutulak ng iligal na droga at pag-protekta sa iligal na sugal dahil hindi siya magdadalawang isip na kasuhan at ipatanggal ito sa serbisyo.
“You will be charged and removed from the service. This is my warning to each and everyone of you. Our fight will be holistic in prevention and aggressive in operations,” dagdag pa ni Acorda.
Si Acorda ang pangalawang hepe ng PNP sa Marcos administration at ika-29 na pinuno ng pambansang pulisya.
Kapag mahigpit na paninindigan ni Acorda ang totoong paglilinis ng kanyang hanay batay na rin sa kanyang pahayag at polisiya ng Philippine National Police (PNP) na “Internal Cleansing” ay posibleng sumabit nga dito ang ilang provincial at regional director?
Kaakibat din ng pamumuno sa organisasyon ay ang responsibalidad at ang mabigat na pananagutan, kaya ang provincial at regional director na tulad nina PCol Samuel Delorino at PBGen Joel Doria na nabigyan ng kapangyarihan sa bisa ng mandato ng “police service” ay may pananagutan sila sa pamamayagpag ng operasyon ng BINGO NG BAYAN cum Jueteng batay na rin sa doktrina ng “command responsibility”.
Kaya kung sakaling nagpabaya nga sa kanilang tungkulin ang mga nabanggit na PNP officials dahil nga sa di pag-aksyon ng mga ito laban sa pamamayagpag ng iligal na sugal ay pagpapabaya sa tungkulin ang tawag dito.
Mistula kasing nababalewala ang naging kautusan ng PNP Chief, Gen. Acorda na INTERNAL CLEANSING at “NO TAKE” POLICY na pinatutupad ng dating PNP Chief, Rodolfo Azurin.
Sa kabila ng direktiba ay tila walang naririnig dito ang nabanggit na mga opisyal ng kapulisan.
Sa dami ng mga narestong Kubrador at Kabo ay nakapagtataka kung bakit nagpapatuloy parin ang operasyon ng jueteng sa bago nitong pangalan na BINGO NG BAYAN.
Ayon sa source, ang Bingo ng Bayan cum jueteng ay protektado umano ng mataas na opisyal ng PNP, maimpluwensiyang pulitiko namay inisyal na “LM” at Police General namay inisyal na “TF” o Talent Fee kaya untouchable ang naturang sugal sa Oriental Mindoro.
Balitang-balita din ang pagdalo ng financier ng sugal at maimpluwensiyang pulitikong si “LM” na protektor ng sugal sa naging Change of Command Ceremony kamakailan ni PRO4B Regional Director PBGen Joel Doria sa Camp Efigengio Navarro, sa Calapan City, Oriental Mindoro.
Sinabi din ng source na umaabot na umano sa P8-milyon ang buwanang “payola” ang ipinamumudmod ni “LM” sa kapwa niya kurakot na pulitiko maging sa ilang tiwaling opisyal ng kapulisan.
Patuloy na inirereklamo ng mga concerned citizens ang umano’y nagpapatuloy na operasyon ng mga iligal na sugalan sa lalawigan ng Bulacan.
Hanggang ngayon patuloy tayong nakakatanggap ng reklamo mula sa mga concerned citizens hingil sa “untouchable” na BINGO NG BAYAN na “front” ng Jueteng sa lalawigan ni Governor Humerlito Dolor na sinasabing ginagawa umanong gatasan ng ilang tiwaling opisyal ng PNP.
***
Suhestyon at Reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com. – Ugaliin ring makinig sa programang “BALYADOR” mula lunes hanggang biyernes 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing miyerkules 9:00am-10:00am sa 96.9 FM Radyo Natin Calapan City, Oriental Mindoro at tuwing Sabado 9:00am-10:00am sa DWBL 1242 kHz AM Mega Manila. Mapapanood live sa Facebook at Youtube chanel.
The post GEN. DORIA AT COL DELORINO TAHIMIK SA OPERASYON NG “BINGO NG BAYAN” CUM JUETENG SA ORIENTAL MINDORO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: