
SUSPENDED Manila International Airport Authority (MIAA) GM Cesar Chiong you failed us.
Maging disente ka naman, ‘wag kapalmuks, ‘yang pagsuspinde sa iyo ng Ombudsman ay patunay, hindi ka nagsisilbi sa taumbayan kungdi sa amo mo, sa Philippine Air Lines (PAL).
Dahil naging tuta o utusan ka ng PAL sa maraming taon, mula nang maupo kang MIAA GM, nasa isip mo, nasa ugali mo at naturalesa na ang amo mo, ang boss mo ay si Don Lucio Tan.
Nagkamali ba si Department of Transportation (DOTr) Sec. Jaime Bautista na irekomenda ka kay Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na i-appoint kang MIAA GM, nooooo!
E, magkabarkada kayo ni Sec. Bautista sa PAL, practically, inampon ka niya, kaya sa simpleng kumpas ng kamay ni Mang Jaime, in a silver platter, ibinigay mo sa PAL ang Terminal 1 sa amo mong si Lucio Tan.
Abusado ka, ‘yan ang sabi ng Ombudsman sa ugali mo, sa desisyong suspension na ipinataw sa iyo, Chiong. (Chiong abused his authority/position when he designated (Irene) Montalbo as Assistant General Manager for Finance and Administration notwithstanding her unsatisfactory rating…”
Kungdi ka abusado, Chiong, iilang buwan ka pa lang sa MIAA, basta mo na lang ipinuwesto sa kung saan-saan ang mga employee sa paliparan nang walang legal at makatwirang dahilan.
Ugaling diktador yan, Chiong, kung hindi mo alam, o baka naman, baka lang naman, may utos sa iyo ang mga amo mo sa PAL?
Get out, sabi nga ni Manong JPE sa mga taong gobyerno na perwisyo sa serbisyo publiko.
You are supposed to serve the interest of the people, pero interes ng PAL na umampon sa iyo sa mahabang panahon ang sineserbisyohan mo at pinoprotektahan mo.
Ipinasolo mo sa PAL ang pasilidad sa PAL at sinipa mo ang foreign carriers na kakumpetensiya ng amo mo, hey… get out na.
Yes, karapatan mong ilaban ang suspensiyon mo, pero naniniwala kami sa order ng Ombudsman na sabi ay (xxx the evidence of guilt against the respondents is strong and the charge against them involving grave misconduct “may warrant their removal from the service.”
Layas, get out at ‘wag nang antayin pang ikaw ay sibakin ni PBBM!
***
E, may mangyari kayang matino sa MIAA ngayong si Senior AGM Bryan Co ang OIC ng ahensiya bunga ng 6 na buwang suspensiyon nang walang sahod nina Chiong at Montalbo?
Arogante rin itong si Co, ayon sa mga foreign carrier representatives na pinaalis sila sa Terminal 1 at ilipat sa terminal 3.
Mag-BFF sina Chiong at Co na parehong inampon ni Lucio Tan sa loob ng maraming taon na ang amo niya ay si Transportation Sec. Bautista.
Aminado sina Chiong at Co na ang karanasan at ‘expertise” nila kuno sa paliparan ay nakuha nila sa PAL at wala nang iba pa.
Kaya nang i-appoint sila sa MIAA, dala nila ang utang na loob sa PAL at hindi iyon nawala para mapalitan ng tungkuling magserbisyo sa bayang Pilipino.
Kung sa kalabaw, may singkaw sa batok sina Chiong at Co na ang bawat kumpas at hila ng lubid sa paggalaw ay magbubunga ng serbisyo sa interes ng PAL, hindi ang magsilbi sa interes ng publiko.
Disaster o peligro sa kakumpetensiyang flag carrier ang paghirang kina Co at Chiong sa unang araw pa lang ng pag-upo nila sa MIAA at nangyari nga ang magulong palakad sa ahensiyang ito, na ano ang resulta, e di malaking perwisyo sa mga pasahero ng mga eroplanong kakumpetensiya ng PAL.
Financial expert daw (?) si Chiong, pagmamalaki niya, e bakit hindi masabi at maipaliwanag ang mahigit na Php 6 bilyong utang ng PAL sa gobyerno mula 1970- 1999 sa paggamit sa Terminal 1.
Kungdi pa tinakot noon ni Presidente Rodrigo ‘Digong’ Duterte si Lucio Tan na kakasuhan at ipasasara ang Terminal 1, di pa magbabayad sa utang na Php 6-bilyon noong 2017.
Ah, ang expertise ni Chiong at ng mga katropa nito ay kung paano iiwas o tatangging magbayad ng utang sa gobyerno – na hindi umubra kay Tatay Digong, hahahaha.
Kaya duda ang marami na ‘yung brownout sa NAIA Terminal 3 ay ano raw, kinusa, sinadya at hindi lang simpleng kapabayaan o katangahan.
Marami ang naghihinala, sabotahe ito na nagdulot ng perwisyo sa pagka-suspinde ng paglipad ng maraming local at foreign travelers!
Sa kapalpakang ito, dapat ay hindi na nanggaling sa Ombudsman ang utos na preventive suspension kay Chiong: ito ay dapat unang ginawa ni Sec. Bautista, pero hindi po nangyari.
Beybi niya kasi si Chiong at si Co – na parang batang nagtatae sa diaper!
Kaya kayo ipinuwesto riyan ni PBBM ay para paghusayin ang serbisyo sa taumbayan at sa mga dayuhang negosyante at turista sa Pilipinas.
Your job is to protect the interest of the people, kaya ikaw, Chiong ay ginawang MIAA GM, at ikaw Co ay ginawang OIC.
But you did not perform well, kaya please, maawa kayo sa bansa, get out, kusa na kayong umalis sa MIAA at bumalik kayo sa PAL.
Mga PALamunin ng bayan, sanabagan!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang bampurisima@yahoo.com.
The post Maawa kayo sa Pilipinas, layas na kayo sa MIAA! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: