
NAGING makulay at makasaysayan ang pagputong ng korona sa bagong hari ng United Kingdom si Carlos (Charles) III. Dinaluhan ang koronasyon ng maraming pinuno mula sa iba’t-ibang bansa, kabilang ang Filipinas na kinatawan ay ang kasalukuyang pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang unang ginang. Hindi lingid sa kaalaman ng mga tagasunod ng abang kolum ko na sa lahat ng lakad ni Bonget sa labas ng bansa, may karay siyang isang rekwang sabit. At ayon sa kababata kong si Ediboy La Madrid, pwede natin tawagin silang mga OSSP, o Official Sabit With Season’s Pass. Nawala sa administrasyong ito ang konsepto ng isang delegasyon na “lean and mean.” Sa puna ng marami, magmula nang simula ng administrasyong Marcos nagkaroon na ng labing-isang biyaheng opisyal, at ang bawat isa, bukod sa tunay na staff, hindi siguro mapupuna kung hindi hihigit sa tatlo ang sabit. Simula noong Hunyo 20, 2022 nagkaroon na ng labing-isang biyaheng opisyal si Bonget sa labas ng bansa. Sa lahat ng ito kasama niya ang unang ginang at pinsang buo niya si Martin Romualdez. Walang nakita ni bakas ng presidente, first lady o entourage niya sa kabuuan ng koronasyon, subalit napansin ko sa sahig ng Westminster Abbey ang karpetang dilaw at bughaw.
Hindi ko kailangan hulaan na ang mga kulay ay katulad n kulay sa watawat ng Ukraine. Marahl ito ay isang banayad na paghiwatig ng suporta sa Ukraine, at sa kinahaharap nito ngayon sa digmaan sa Rusya. Kapansin-pansin na hindi imbitado si Vladimir Putin. Ang pagputong ng korona sa Hari ng UK ay huling nasaksihan nung 1953, kung saan ang ina ni Charles na si Elizabeth ay naging Reyna Elizabeth II. Habang isinusulat ito, patapos na ang seremonya at pabalik na sa Buckingham Palace si Charles at Camilla. Naging makasaysayan ito dahil noong 1953, buo pa ang imperyo at ang kanyang mga kolonya. MABUHAY ANG BAGONG HARI. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.
***
MAGANDA ang nakuha kong balita a nalalapit na ang paglaya ni Leila De Lima. Bunga ito ng pagbabaligtad ng mga testigo at pagwawalang-sala ng mga kaso laban sa dating senador, na napatunayang gawa-gawa ang sakdal laban sa kanya. Tama ito. Sobrang tagal na nakapiit ang dating senador dahil sa mga huwad na kaso, at sa kapansin-pansin na pag “about-face” ng administrasyong Bonget, ito ay natitiyak mangyayari. Sa pagkatao ni Senator De Lima, batid natin na hindi siya taong mapaghiganti. Pero tinitiyak ko sa aking mga tagasunod, ang isang pagyurak sa katarungan ay hindi dapat palampasin. Kaya humanda ang mga katulad ni Aguirre at Calida. Konting panahon na lang at tinitiyak ko sa inyo. Darating ang oras ninyo. Lintek lang ang walang ganti.
***
Hula Ng Kalokohan:
“Walang mangyayari sa Maharlika Welfare Fund. Kukurakutin lang iyan at idineklarang nalugi. Pero walang mabibilanggo.”
***
Mga Harbat Sa Lambat: “Marcos admits abuses in Duterte drug war.”
Sinabi nya yan sa US ha.
DOJ SAGOT!
ICC PASOK!…” -Nomia Avanceña, netisen, Mulat Na Pilipino
” Even if we have to wallpaper the Great Wall with diplomatic protests, we should continue because once we show any sign of wavering, it normalizes China’s misbehavior inside our territory. Kahit bingi sila, we have to blow our whistle again and again. At least, the whole world would hear. Yung pag protesta natin, ng pamahalaan man o mamamayan, ay parang burglar alarm that goes off when its tripped. Ang masama ay if we turn it off. Sobrang kaswapangan na. Napakalawak ng dagat pero ayaw magpadaan. Hindi na naku tento sa pangangamkam. Hindi ‘yan asal ng nagsasabing kaibigan niya tayo.” -Senador Ralph Recto
“Marcos pa rin! Ninakawan ka na, at ikaw pa ang magbabayadng ninakaw niya sa pamamagitan ng buwis mo. Ito ang pinakasukdulan ng katangahan.” -Reggie S. Gasmen, netisen
***
Jok Taym: (Daghang salamat sa Patawa Ka Facebook page)
JUAN: Pareng Pedro, nakita ko misis mo sa Casa, prostitute pala siya!…
PEDRO: (galit) Hindi prostitute ang asawa ko ha! Tuwing weekend lang siya pumapasok, substitute ang tawag ‘dun!
***
Wika-Alamin:
TAPAYAN: isang uri ng lalagyan ng tubig na kalimitan may gripo. Kaparehas ito ng burnay o banga subalit ang dalawang binanggit ko ay walang gripo. Kapag ginamot ang TAPAYAN sa pananalita: “Ang tubig na nanggaling sa TAPAYAN ay ay likas na malamig”.
***
mackoyv@gmail.com
The post MABUHAY ANG BAGONG HARI! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: