Facebook

MILYONES PAYOLA SA BAGONG R4-A CHIEF NG PAIHI NINA ED AT RICO SA MALVAR, BATANGAS, TROY SA TIAONG, QUEZON AT IBA PA! (PART 2)

MARAMING natuwa sa pagkatalaga kay PBGen. Carlito Gaces bilang bagong hepe ng PNP CALABARZON kapalit ni PBGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na inilipat naman sa PNP Headquarter sa Camp Crame, Quezon City.

Inaasam ng mga mamayan sa katauhan ni PBGen. Gaces ang makatotohanang pagbabago sa hanay ng kapulisan sa REGION 4-A. Ngunit nagkamali ang mga ito, pagkat hindi pa man nag-iinit ang puwet ni PBGen. Gaces sa kanyang bagong luklukan ay kumilos na naman ang mga sindikato ng mga iligalista sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon upang lumikom ng milyones bilang “pasalubong”, suhol o payola para sa kauupong heneral.

Umeksena ang isang Billy Joe na nagpakilalang engkargado ng kararating na RD4-A Director at ipinamalita na nakopo nito ang pwesto bilang lider ng mga “kapustahan” (police tong kolektor) sa buong CALABARZON.

Ipinagbanduhan pa ni Billy Joe at ng kanyang dakilang alalay na si Kap Mike alyas Kap Ambo na sila ang nanalo sa bidding at nabili nila ng tumataginting na Php 6.4 milyon kada isang linggo ang “right” para mangolekta ng intelhencia sa buong rehiyon, kaya pasok sa kanya ang lahat na iligalista sa limang lalawigan ng Region 4-A.

Tatanggalan natin ng maskara kung sino talaga itong sina Billy Joe at Kap Mike alyas Kap Ambo sa mga susunod nating pitak.Sa pagkakaalam natin, si Billy Joe ay robot lamang ni Kap Mike alyas Kap Ambo pagkat ito (BillyJoe) ang rektang konek sa R4-4 police office.

Ngunit sa dahilang si Kap Mike alyas Kap Ambo ang orihinal at nag-umpisa ng bilihan ng intelhencia sa PNP 4-A, kaya nauso dito ang pagkakaroon ng bidding para pilliin kung kanino igagawad ang karapatan para makapangolekta ng tongpats, intelhencia o suhol sa mga hari-hari ng kapulisan sa rehiyon, ay isinali na ito ni Billy Joe sa kanyang protection racket.

Kaya gasgas na gasgas naman kina Billy Joe at Kap Mike alyas Kap Ambo ang pangalan ni RD Gaces. Sapagkat sina Billy Joe at Kap Mike alyas Kap Ambo ang nanalo nga sa bidding bilang hepe ng mga “kapustahan” (tong kolektor), kaya nagpatawag ang mga ito ng pagpupulong na mismong ginanap sa Region 4-A PNP Headquarter sa Canlubang, Laguna at doon hinulma ang mga bagong “cash-unduan” sa pagitan ng mga “kapustahan” at ng lahat ng “players” o iligalista sa buong CALABARZON.

Ang mga operator ng STL-con jueteng o bookies, sakla, pergalan (perya at sugalan), paihi, buriki, pasingaw, patulo, illegal logging at iba pa ay inobliga nina Billy Joe at Kap Mike alyas Kap Ambo na dumalo sa kanilang pa-meeting.

Sa takot na patigilin ang kanilang operasyon ay dumalo sina Malvar, Batangas paihi o buriki kingpin Ed at kasosyo nitong si Rico na nag-ooperate sa Brgy. Bulihan at Brgy. Salong, Calaca town based paihi maintainer Glen at Dodong.

Ang dalawang paksyong ito ng mga magnanakaw ng produktong petrolyo ay matagal nang nag-ooperate sa Batangas ngunit dahil nga sa proteksyon ng ilang korap na opisyales ng kapulisan, “kapustahan” at ilang lokal na opisyles ng pamahaan ay hindi ito matinag

Nagtataka ang mga tanker at trucking operator kung bakit hindi umaaksyon laban sa paihi o buriki operation nina Ed at Rico sa Brgy. Bulihan sina Malvar Police Chief Major Jonathan Amutan at Mayor Cristeta Reyes. Gayundin si Calaca Mayor Naz Ona at police chief nito sa pagpapaihi nina Glen at Dodong sa Brgy. Salong ng bayan ng Calaca.

Baka hindi alam nina Maj. Amutan, Mayora Reyes, Mayor Ona at police chief nito na posibleng nangunguna ang kanilang mga pangalan sa listahan ng lingguhang pinadadalhan ng payola o intelhencia nina Ed at Rico maging nina Glen at Dodong?

Sina Quezon Paihi iconTroy na may malaking burikian sa Brgy. Lalig sa bayan ng Tiaong at Eric ang operator ng pasingawan ng LPG at magbuburiki ng petroleum/oil product sa Brgy. Bocohan, Lucena City, si Lanie na operator ng burikian sa Brgy. Malabanban, bayan ng Candelaria ay naroroon din sa nasabing pagpupulong nina Billy Joe at Kap Mike ayas Kap Ambo, pati na ang paihi financier ng bayan ng Guinyangan na si alyas Sammy.

Isang medalyadong police official si LtCol. Marlon Cabatana ngunit bakit tila wala naman itong binatbat at wari ay naduduwag kapag narinig na ang pangalang Troy at burikian nito sa Brgy. Lalig? Bakit di rin umaaksyon laban kay Troy si Tiaong Mayor Vincent RJ Mea?

Nasa patawag din ni Billy Joe si Pergalan Queen Ajie Tomboy na nakabibilib na nakapagpwesto ng mga pasugalan maging sa kalapit lamang ng opisina ni Lucena Mayor Mark Alcala sa Lucena City Hall.

Bukod sa Lucena City may mga pwesto pa ng pergalan si Ajie Tomboy at ang kasosyo nitong beteranang pergalista sa mga bayan ng Gumaca at Agdangan. Ayon sa ating mga KASIKRETA bagyo sina Ajie Tomboy sa opisina ni Gobernor Helen Tan, kaya’t saan man nito naisin na maglatag ng pergalan na may shabuhan sa Quezon ay wala ditong (Ajie) maaring umangal?

Sa Brgy. Lutucan sa bayan ng Sariaya ay nag-ooperate din ng pergalan na may shabuhan si Mesio; sa Brgy. Paisa, Tiaong ay kay Jun; San Antonio Bayan ay kay Luisa; Poblacion Tiaong ay kay Glenda; bayan ng Infanta ay kay Otso; sa Gen. Nakar ay kay Bobuy; Brgy. Antonino, Tiaong, Brgy. Guisgis at Montecillo sa bayan ng Sariaya ay kay Lyn.

Pagkat lusot kay Billy Joe ang lahat na operasyon ng mga kailigalan sa Batangas, Quezon, Rizal, Laguna at Cavite, kaya sino ba naman para tumanggi sina Batangas PNP Provincial Director Col. Pedro Soliba, CIDG Provincial Officer LtCol. Victor Sobrepena, Quezon Provincial Director Col. Ledon Monte at CIDG Provincial Officer LtCol. Mark Jayson Gatdula?

Kaya ang problemang dulot ng mga illigal vices at droga ay parang multo namang nananakot kina Batangas Governor Hermilando “Dodo” Mandanas, Quezon Governor Tan at Mayor Mark Alcala ng Lucena City. Ang pergalang may droga, paihian, STL con jueteng at iba pang illegal vices ang siyang dahilan kung bakit nananatiling mataas ang mga drug related crime sa mga naturang lalawigan noon pa mang nakaupo si ex PNP Region 4A Director PBGen. Jose Melencio Nartatez Jr. Abangan ang karugtong…

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144.

The post MILYONES PAYOLA SA BAGONG R4-A CHIEF NG PAIHI NINA ED AT RICO SA MALVAR, BATANGAS, TROY SA TIAONG, QUEZON AT IBA PA! (PART 2) appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MILYONES PAYOLA SA BAGONG R4-A CHIEF NG PAIHI NINA ED AT RICO SA MALVAR, BATANGAS, TROY SA TIAONG, QUEZON AT IBA PA! (PART 2) MILYONES PAYOLA SA BAGONG R4-A CHIEF NG PAIHI NINA ED AT RICO SA MALVAR, BATANGAS, TROY SA TIAONG, QUEZON AT IBA PA! (PART 2) Reviewed by misfitgympal on Mayo 06, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.