IRR ng anti-online sexual abuse/ exploitation of children, anti-child sexual abuse or exploitation materials pinirmahan: USEC. EJERCITO ESTRADA, BINALAAN ANG MGA ONLINE SEX OFFENDERS

MALUGOD na ibinahagi ni Undersecretary Janella Ejercito Estrada ng National Authority for Child Care (NACC) ang pag-pirma ng Implementing Rules and Regulations ng R.A. 11930 o ang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act.
“Ilang taon din tayong nangapa kung paano ba talaga mapi-pigilan ang sexual crimes laban sa mga bata gamit ang ICT at digital world. Nakaka-dismaya noon dahil tila wala tayong magawa maski sa mga online sex crimes na mga magulang mismo ang may gawa kapalit ang pera,” sabi ni Undersecretary Ejercito Estrada.
“Sa lawak ng World-Wibe Web, matagal ding nagtago ang mga online sex offenders at sinamantala nila ang kahinaan ng ating mga kabataan. Ngayon, matutukoy na natin sila, maipapa-kulong habang-buhay at hindi natin sila papatawarin sa kanilang krimen,” paliwanang ni Undersecretary Ejercito Estrada.
Sa ilalim ng OSAEC and CSAEM Act, anomang akto, pagsubok o pagtulong sa pagsa-sagawa ng online child sex – mapa-online, pisikal o kombinasyon nito – ay mapa-parusahan. Ang “sexscams” at paghikayat sa isang bata na maging bahagi nito ay krimen na rin kahit may pahintulot ng bata.
Ginawa na rin responsable ang mga Internet platforms at intermediaries, ang mga subscribers nito, mga payment platforms at mga indibidwal na nag-papasa o nagsha-share ng mga online materials na may child sex.
“Nakaka-gaan at luwag ng dibdib ang naisa-batas na parusa ng online child sex. Sa higpit ng mga ito, may pag-asa tayo na mapigilan ang online child sex at masi-siguro natin na ang digital world ay mas ligtas para sa ating mga kabataan,” dagdag ni Usec. Ejercito Estrada.
Sa panibagong batas, ang online sex offenders ay mapapa-rusahan ng pagkaka-kulong mula 12 taon hanggang habang-buhay at pagba-bayarin mula Php100,000 hanggang Php20 Milyon.
“Bukod sa pagpigil at pagpa-parusa ng online child sex, layon din ng R.A. 11930 na magkaroon ng one-Government approach kasama ang iba’t-ibang ahensya ng Gobyerno upang matulungan ang mga batang biktima na maka-recover physically, psychologically at socially. Gusto natin silang bigyan ng aruga at pagmamahal na sa una pa lang ay pinagkait na sa kanila,” paliwanang ni Usec. Ejercito Estrada.
“Ang kampanya laban sa online child sex at paglaganap ng mga online materials nito ay responsibilidad ng bawat isa. Bawat isa sa atin ay may responsibilidad na protektahan ang ating mga kabataan, tulungan ang mga biktima na maka-recover, at bigyan sila ng oportunidad na mamuhay ng may dangal at may pag-asa. Kasama ang DSWD, ang NACC ay tutulong upang sila ay maga-bayan, makapag-aral at nang manumbalik ang kanilang normal na buhay. Naway sila ay makatagpo ng tunay ng pagmamahal, aruga at oportunidad para sa mas maayos na kinabukasan, ani Usec. Ejercito Estrada.
“And at the end of the day, gusto natin na ang digital technology ay ligtas at kapaki-pakinabang para sa ika-uunlad ng ating mga kabataan. Kailanman, hindi dapat ito maging daan para sa kanilang ika-sisira, ng kanilang kinabukasan lalo na ng kanilang pagiging malaya at masayang indibidwal,” dagdag pa ni Usec. Ejercito Estrada. (Mylene Alfonso)
The post IRR ng anti-online sexual abuse/ exploitation of children, anti-child sexual abuse or exploitation materials pinirmahan: USEC. EJERCITO ESTRADA, BINALAAN ANG MGA ONLINE SEX OFFENDERS appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: