Facebook

Joshua nakaiskor kay Gabbi, nasingitan ang bf na si Khalil

Ni ARCHIE LIAO

TRENDING ang isang video kung saan habang inaayusan si Gabbi Garcia ay minamasahe ang kanyang likod ni Joshua Garcia.
Hirit ng netizens, ganoon daw pala ka-touchy ang actor kay Gabbi.
May mga nagtatanong kung ganoon din si Joshua kay Jane de Leon na naging leading lady niya sa “Darna.”
Bagama’t may kinilig sa pa-massage massage ni Josh sa Kapuso actress, may ilan din namang nagmamalisyang naasiwa sa ginawa ng actor sa kanyang kapareha.
Sey ng kibitzers, naka-iskor daw si Joshua kay Gabbi.
May mga GabLil fans naman ang nag-cringe dahil awkward daw tingnan na hinahipo-hipo ni Joshua si Gabbi lalo’t hindi naman niya ito nobya.
May mga pa-savage pang nagsasabing lagot o wanted si Joshua kay Khalil sa ginagawa nito.
May mga nagtanggol naman kay Joshua at sinabing hindi dapat bigyan ng malisya ang pagiging touchy ng actor kay Gabbi.
Anila, magkaibigan daw ang dalawa at kahit na may kissing scene sila sa kanilang upcoming project na “Unbreak My Heart”ay bahagi lang ito ng trabaho nila.
Ang ilan naman ay nang-uurot na bagay daw pala ang dalawa at tinawag na mag-asawang Mr. and Mrs. Garcia dahil pareho nga naman ang kanilang apelyido.
Ito ang ilang sey ng kibitzers.
“Kung ako kay Khalil, magseselos ako sa pagiging touchy ni Joshua.”
“Kinilig naman ako. Sa true lang, mas bagay sila. Mas may chemistry sila.”
“The future Mr. and Mrs. Garcia.”
“Ano kayang pakiramdam ni Khalil na nakaiskor si Joshua sa kanyang dyowa?”
“Ano ba? Magkapatid kayo, bawal ang ginagawa ninyo. Pareho kayong Garcia.”
“Sarap naman ni Gabbi, may cute siyang masahista.”
“Ginagawa rin ba niya iyan kay Jane?”
“Huwag bigyan ng malisya. Magkaibigan sila.”
“Hindi kaya naasiwa si Gabbi sa higop king?”
“Lagot ka Josh kay Khalil.”

The post Joshua nakaiskor kay Gabbi, nasingitan ang bf na si Khalil appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Joshua nakaiskor kay Gabbi, nasingitan ang bf na si Khalil Joshua nakaiskor kay Gabbi, nasingitan ang bf na si Khalil Reviewed by misfitgympal on Mayo 11, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.