
Ni JOVI LLOZA
SA IG reels ng Kapuso network ay ibinahagi ang kauna-unahang pagtapak ng dalawang Kapamilya stars na sina Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia sa gusali ng GMA -7 sa Timog.
Knows naman na may isang project collaboration ang dalawang magkaribal na network.
Yes, naispatan sina Jodi at Joshua sa gusali ng Kapuso network para mag- promote ng kanilang project kasama ang Kapuso stars na sina Richard Yap at Gabbi Garcia.
Sa pagtapak ng dalawang Kapamilya stars ay sinalubong sila ng kanilang co-star sa project na si Gabbi na niyakap pa si Jodi sabay sabi na “Welcome Welcome!”
Marami ang natuwa na netizens na ang dating magkaribal na higanteng network, ngayon ay magkasanib na para sa isang proyekto.
Wish ng netizens na much more collab project pa ang pagsamahan ng Kapuso at Kapamilya network.
***
Maine nagpaalam na, pinasalamatan ang 4 years na karakter bilang Stacy Otogan
SA mismomg socmed account ni Maine Mendoza ay nag-post ito ng pamamaalam sa sitcom na Daddy’s Girl. Tuluyan na ngang nagpaalam sa ere ang nasabing sitcom show.
At di naman ginamit ni Maine ang real name nito sa kanyang pamamaalam. Si Stacy Otogan na character nito sa sitcom na Daddy’s Gurl ang nagpaalam sa nasabing show. Pinasalamatan nito ang apat na taon sa pagiging Stacy Otogan sa Daddy’s Gurl. Kahit naman si Bossing Vic Sotto na gumanap na Barrack Otogan sa ay pinasalamatan ni Maine. Handang-handa na si Maine na maging Mrs. Arjo Atayde.
Support ng mga kaanak, kaibigan at fans ni Maine ang panibagong chapter sa kanyang buhay.
Well, well, well… ‘Yun na!
The post Joshua at Jodi naispatan sa GMA compound appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: