
Ni ROMMEL PLACENTE
KAMAKAILAN ay nag-post si Michael V ng tila pasaring sa mga gumagawa ng content online.
Mababasa sa kanyang post (published as is): “The first thing any content creator should understand is the meaning of the word: “CONTENT.”
Hindi tukoy kung sino ang pinariringgan ng komedyante dahil wala naman siyang binabanggit na pangalan.
Pero tila matindi ang impact nito kay Rendon Labador, bilang isang content creator, kaya binuweltahan niya si Michael V.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook post noong May 8, 2023, sinagot niya ang pasaring ni Michael V, kasabay sa pagtawag niya rito ng laos.
Post ni Rendon,”Masakit na katotohanan na laos na kayo. WE CONTROL THE MEDIA NOW.”
Ayon pa sa content creator, ang mga kagaya niyang influencers ang bagong kinikilalang celebrities ngayon.
Binigyan pa ng payo ni Rendon si Bitoy, na kung hindi raw nito kayang makipagsabayan sa influencers na mas bata sa kanya ay mas mainam na manahimik na lamang ito.
Sabi ni Rendon: “INFLUENCERS are the new celebrities!
“Kung hindi ninyo kayang makipag patalinuhan sa mga INFLUENCERS sa pag produce ng content.. Manahimik nalang kayo.
“”MAINSTREAM IS DEAD!!! Social media is the NEW MAINSTREAM.”
Sa naging pahayag na ito ni Rendon laban kay Michael V, ano naman kaya ang magiging reaksyon niya? Bweltahan kaya ng huli ang una?
***
AYON kay Jeric Gonzales, kung tatanungin niya ang sarili, may pakiramdam siyang ang girlfriend niyang si Rabiya Mateo na ang kayang makakatuluyan.
Sabi ni Jeric sa panayam sa kanya ng Pep.ph,”I think so. I believe so, na kami na.
“Kasi very compatible kami, e, sa ugali, sa mga gusto, sa dream.
“Dream talaga naming yumaman talaga. Yung makapag-build up ng mga business, a career that will last.
“Yung mga ganung bagay na pareho naming wini-wish, at sabay naming tinutupad”.
Dahil ganun na ang kanyang nararamdaman, hindi kaya mapadali ang pagyaya niya kay Rabiya na magpakasal?
Sagot ni Jeric,”Hindi pa, hindi. Medyo matagal pa.
“Sayang naman yung chance, yung opportunity. Ako, like ngayon, bago pa lang na maganda yung career ko.
“Last year was a good year sa films, sa shows. Nakasama ko sina Bea (Alonzo), si Alden (Richards). Ngayon, another megaserye.
“Samantalahin ko muna ang pagkakataon ko,” aniya pa
Tama lang si Jeric, strike while the iron si hot ika nga.
The post Jeric nararamdaman, si Rabiya na ang makakatuluyan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: