
Ni NOEL ASIÑAS
TODAY, nakataktang pumirma ang aktor na si Matteo Guidicelli sa GMA Public Affairs bilang tanda ng kanyang pagbabalik sa Kapuso Network.
Naunang napanood si Matteo sa GMA 7 noong 2009 sa Sunday noontime show, SOP. Naging second lead si Matteo sa soap nina AljurAbrenica at KrisBernal, ang All My Life.
Lumipat si Matteo sa Kapamilya Network 2010 at naging bida agad sa Agua Bendita. Taong 2011, nag-team up sina Matteo at Kim Chiu sa My Binondo Girl. Nag hit sa sunud-sunod na project sa TV at pelikula sa ABS-CBN.
Inaasahan na mapapanood si Matteo sa pambansang morning show ng Pilipinas, ang Unang Hirit. Balita rin na may special project ito na gagawin na related sa documentary. Kasama rin daw ito sa isang up coming soap.
Ibig bang sabihin nito ay susunod na rin sa kanya sa GMA ang misis na si Sarah Geronimo?
Abangan ang pagbabalik ni Matteo sa GMA.
The post Sarah susunod na rin? Matteo Guidicelli, balik-Kapuso na! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: