Facebook

‘KARMA IS A BITCH’

KUMBAGA sa mahjong mistulang ahit ang nangyari ng sipain sa pangunahing deputy speaker ng Kamara de Representante si Gloria Macapagal Arroyo. Nagmukhang digmaan sa pagitan ng mga anghel sa kalangitan at ang mga may pakana. Ipinagpalit ang kanilang pakpak sa kaliskis. Sa pakiwari ko, ang pagbitiw ni Sara Duterte sa Lakas-CMD ang unang indikasyon na hindi lahat olrayt sa sa kalangitan. Sabagay matagal na inaabatan ng inyong lingkod ang mga lamat sa samahan nila. Batid natin na mahina ang gulugod ni Bonget, at kailangan niya ng taga katang ng kanyang liderato. Kaya mapapansin natin umugong ang mga “usual suspects.”

Kaso sa kalaunan kontrapelo ang mga diskarte at nagka- labulabo. Kanya-kanyang agenda at plantilla ang ginawa kaya ayan. Nahati sa dalawang paksyon ang mga kasapakat at tila tatlo pa ito sa tingin ng inyong abang lingkod. Una ang paksyon ng “legal wife” na maliwanag na bumandera mula nang maging “duly-selected” ang kanyang esposo. Siyempre nandiyan ang “duly-selected” na pangalawang pangulo na, sa tulong ng kanyang mga kasapakat mula sa administrasyon ng ama nitong ” serial-killer,” na nandoon at naka-rositas, upang matiyak na hindi sila madehado. Bakit ko nasabi na tingin ko may pangatlo sa pintakasi? Matatandaan na naging notoryus si GMA sa pag instiga ng mag coup sa Kamara. Matatandaan na putong sa ulo niya ang Speakership ng Kamara matapos patalsikin si Pantaleon Alvarez noong 2018. At ang mga tinaguriang “coup pals” ay walang iba kundi si Sara Duterte at Imee Marcos. Wow.

Talagang masasabi na sa pulitika walang permanenteng kaibigan. Dahil sa permanenteng interes, na kalimitan ay pansarili, walang katapatan. Nakalulungkot na ang mga ito ang pumalit sa mga tulad ni Amang Rodriguez Pepe Diokno at Ninoy Aquino. Ngayon mga mambabatas na suklay-suklay na lang ng bigote. Hanggang kailan kaya tayo makakwala sa galamay ng mga ganid na ito?

Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian. Ipanalangin natin nawa’y matauhan ang mga namumuno.

***

“ANONG klaseng pamamalakad ito? Inuuna nilang ilagay ang PhilHealth sa Office of the President kaysa sa magtalaga ng DOH Secretary…” Hindi lang si Rafaela David, pangulo ng Akbayan Party ang nakapuna sa pagsasawalang-bahala sa mga prayoridad ng administrasyon ni Ferdinand Marcos Jr. Sa kapakanan pangkalusugan ng mamamayan, maging ang abang kolumnistang ito ay nababahala. Ang PhilHealth at DoH ay nagtatag na ng pinagsamang inisyatiba upang paghandaan ang paglipat ng PhilHealth sa Tanggapan ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Sa dami ng kinakaharap na problema sa kalusugan, ito pa ang nagawa nilang unahin.

Tama si Gng. David na kailangan magpaliwanag ang DoH sa mamamayan. Pagkatapos ng pandemya na dulot ng Covid-19, kung saan nabahiran ng kontrobersya ng Pharmally ang DoH, at kung saan nakakabawi na ang bayan sa epekto ng pandemya, eto ang isa pa. Hindi na katanggap-tanggap na pikit-mata nating lulunukin ito. Hindi pa nananagot ang mga namumuno sa DoH sa hagarang pandarambong. Kung nais ng kasalukuyang pangulo na linisin ang imahe niya, nararapat na talikuran niya ang pagsasailalim ng PhilHealth sa Office Of The President. Masyado na halatang obvious na magiging gatasan ito.

***

Mga Harbat Sa Lambat: ”Ang tapang ko ay nasa lugar. Hindi ko kailangan maging bastos, brusko at maging mayabang para lang ma mukhang matapang. Matapang ako sa paraang makatao at maka-Diyos. at wala sa salita ang tapang ko, kundi nasa gawa.” – Atty Leni Robredo

“Don’t be surprised if Sara w/o H heads PDP-Laban. Power play yan ng Davao group at ni Cusi to regain power in preparation for 2024. Kitang kita ang galawan…” – Shintaro Abe, netizen

***

Jok Taym:

MISIS: Hoy! Tumigil ka na sa pag-inom ng beer, masyado

kang magastos!!!…

MISTER: Ikaw, meykap mo ang magastos!!!…

MISIS: Nagpapaganda ako para sa iyo!!!…

MISTER: Ako umiinom naman para gumanda ka!!!…

***

Jok Taym Reloaded:

ANAK: Tay…kanino ko po nakuha talino ko sa inyo o kay

Nanay?…

TATAY: Malamang sa nanay mo kasi yung talino ko nasa akin

pa eh…

***

Wika-Alamin

Dapo ( aspelenium nidus): isang uri ng halaman na sa Ingles ay kilala sa tawag na Bird’s Nest Fern. Kilala din ito sa ibang lugar na “pacpac lauin”. Ang halaman na ito ay kadalasan nakikitang tinatanim sa labasan ng bahay at pinaniniwalaan na nagdadala ng swerte. Kapag ginamit ito sa salita: “Sa bahay ng lola ko sa Bicol marami siyang tanim na dapo…”

***

mackoyv@gmail.com

The post ‘KARMA IS A BITCH’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘KARMA IS A BITCH’ ‘KARMA IS A BITCH’ Reviewed by misfitgympal on Mayo 20, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.