Facebook

KRAFT, KINUKUNSINTE ANG SHABU-CON JUETENG NI ESMER SA LAS PINAS?

HINDI naman minamaliit ang kakayahan ni Southern Police District Director PBGen. Kirby Kraft, pero sa nakikita ng madla na di masawatang kailigalan ng mga gambling at drug trade ni alyas ESMER sa kanyang area of responsibility ay tila lumalabas na mahina ang liderato ng butihing heneral.

Ang naturang iligalista ay hindi lamang nagsisilbing batik sa imahe ni PBGen. Kraft, kundi mistulang malaking tinik din ito sa kanyang lalamunan.

Ilang beses nang ginigising ng SIKRETA sa pamamagitan ng pagsisiwalat at pagkumpirma ng operasyon ng mga iligal na pasugalan na prente din ng bentahan ng shabu sa kanyang area of responsibility (AOR) pero mukhang hindi pa rin magka-ulirat, bagkus ay nananatiling “tulog sa pansitan” si PBGen.Kraft.

May kumpirmadong ulat ang SIKRETA tungkol sa mga drug/gambling den sa Southern Police District (SPD) area at kapansin-pansin ang isang nagngangalang ESMER, operatior ng loteng at STL-con jueteng na hinaluan ng shabu business.

May listahan ang ating mga KASIKRETA ng mga pasugalan na hinaluan ng pagbebenta ng shabu sa SPD area at kapuna-puna ang isang nagngangalang alyas ESMER na ang jueteng operation at ibang uri pa nitong iligal na pasugal ay sinahugan pa ng shabu trafficking.

Kopo ni ESMER ang jueteng, loteng at EZ 2 operation na nagsisilbi ding front ng drug dealing sa lungsod ni Las Pinas Mayor Imelda Aguilar. Tulad ni PBGen. Kraft ay “tulog din sa pansitan” si Mayor Aguilar at Police Chief Col.Lagundi Jr.?

Dapat sigurong sawatain na nina PBGen. Kraft, Col. Lagundi Jr.at Mayor Aguilar sa lalong madaling panahon ang jueteng, loteng at EZ 2 at iba pang uri ng pasugal diyan sa Las Pinas, pagkat ang mga bet collector ni ESMER na umiikot sa mga barangay sa nasabing lungsod ay mga nagsa-shabu, sumbong pa ng ating mga KASIKRETA.

Nagkalat ang mga illegal gambling bet collector ni ESMER na bangag sa shabu pero walang alam ang Philippine National Police (PNP)? Aba’y ano na ang nangyayari sa mga kapulisan ni PDG Benjamin Acorda Jr.?

Maugong pa naman sa sirkulo ng kapulisan na si PBGEN. Kraft ay isa sa malakas na aspirante para palitan sa pwesto si PBGen. Carlito Gaces bilang Region 4-A Director na halos isang buwan pa lamang sa panunungkulan ay punong-puno ng kontrobersya dahil sa di masawa-sawatang illegal gambling sa kanyang AOR.

Lalong lumakas ang operasyon ng STL-con jueteng, loteng, EZ 2, Pick 3, Brgy. Lucky Bingo o online bingo na naka-umbrella ang operasyon sa Perya ng Bayan (PNB), pergalan (perya at sugalan), sakla, paihi, illegal logging at iba pang kailigalan sa hurisdiksyon ni PBGen. Gaces.

Sa kanyang kasalukuyang assignment bilang SPD Chief na sisinghap-singhap na liderato, baka mabura na sa listahan ng mga aspirante na papalit kay PBGen. Gaces itong si PBGen. Kraft.

Aba’y magpakitang gilas ka naman PBGen. Kraft. Hahayaan mo na lang ba na masira ang pagiging contender mo bilang R4-A Director dahil sa kabila ng napakarami nang reklamo ay hindi masaling at mapahinto ang jueteng, loteng at EZ 2 ni ESMER.

Baka matulad si Las Pinas Police Chief Col. Lagundi Jr. sa sinapit ni Orion, Bataan Police Chief Major Alfred Timbol na sinibak sa puesto dahil nahulihan sa kanyang hurisdiksyon ng operasyon ng iligal na sugal, may ilang araw pa lamang ang nakararaan?

Siya ang unang-una na tinamaan ng One-Strike Policy ni PNP Chief Acorda Jr., na inaalipusta pa ng maraming mga kapitan ng barangay sa Las Pinas City na pakitang tao lamang daw ang implementasyon pagkat wala namang district, regional, provincial director, city at municipal police chief na natatanggal sa pwesto at nakakasuhan kaugnay sa nakakasawa at paulit-ulit lamang na direktiba. Abangan natin kung aaksyon sina PBGen. Kraft, Col. Lagund iJr. at Mayor Aguilar?

***

Para sa komento: CP. No. 09664066144

The post KRAFT, KINUKUNSINTE ANG SHABU-CON JUETENG NI ESMER SA LAS PINAS? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
KRAFT, KINUKUNSINTE ANG SHABU-CON JUETENG NI ESMER SA LAS PINAS? KRAFT, KINUKUNSINTE ANG SHABU-CON JUETENG NI ESMER SA LAS PINAS? Reviewed by misfitgympal on Mayo 20, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.