
Ang pinag-aagawang lupain sa pagitan ng MAKATI CITY at ng TAGUIG CITY ay naresolba na sa pamamagitan ng mga dokumentadong kasaysayan.., presto, ang nagwagi para angkinin qng pinag-aagawang 729 EKTARYANG lupain ay ang TAGUIG CITY GOVERNMENT!
Ang naturang usapin ay dinisisyunan ng SUPREME COURT (SC) base sa HISTORICAL, DOCUMENTARY at TESTIMONIAL EVIDENCES.., na FINAL ang inilabas na HATOL ng SC ukol sa pinag-aagawang daan-daang ektaryang lupain ng FORT BONIFACIO MILITARY RESERVATION na kinaroroonan ng BONIFACIO GLOBAL CITY (BGC) at ilan pang BARANGAY na nasa MAKATI CITY ay malinaw na nasa hurisdiksyon ng TAGUIG CITY.
Ang oinagpuntusan ng SC ay ibinase sa resulta sa ginawang mga pagdinig hinggil sa LAND DISPUTE.., na tanging ang TAGUIG CITY ang nakapagsumite ng mga ebidensya, survey at iba pang dokumento na magpapatunay na sila ang may sakop sa kinukuwestiyong teritoryo.
“We find that Taguig presented evidence that is more convincing and worthier of belief than those proffered by Makati,” saad ng SC.
Mga ka-ARYA.., 3-dekada ang itinagal ng legal battle sa pagitan ng MAKATI at TAGUIG.., kung saan ay unang dininig ang kaso sa REGIONAL TRIAL COURT OF APPEALS hanggang umakyat sa SC na pinagtibay ang desisyong nagtatakda na ang TAGUIG CITY ang siyang NAGWAGI.
Siyempre pa.., ngayong tapos na ang legal battle ay umaasa na ang mga residenteng naaapektuhan sa gitna ng dalawang nag-uumpugang LGU na kumilos at ayusin na ang sitwasyon.
Kaya naman ang ginawang pag-apela ni dating MAKATI VICE MAYOR ERNESTO MERCADO nang magpalabas ito ng isang statement na direktang mensahe sa lokal na pamahalaan ng MAKATI at TAGUIG.., ipinakiusap nito na respetuhin ang SC DECISION bilang “FINAL ARBITER OF THE LAW” at magtulungan ang mga local government official para sa “SMOOTH TRANSITION” sa paglilipat ng mga residente na dating MAJATI CITIZEN ay
LEGITIMATE TAGUIGEÑO na ngayon.
Puwes mga ka-ARYA…, malinaw na sakop na ngayon ng TAGUIG CITY ang FORT BONIFACIO kabilang dito ang BARANGAY PEMBO, COMEMBO, CEMBO, SOUTH CEMBO, WEST REMBO, EAST REMBO at PITOGO gayundin ang PHILIPPINE ARMY HEADQUARTERS, NAVY INSTALLATION, MARINES HEADQUARTERS, CONSULAR AREA, JUSMAG AREA, HERITAGE PARK, LIBINGAN NG MGA BAYANI, AFP OFFICERS VILLAGE at 6 pang villages sa tabi nito!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.
The post MAKATI AT TAGUIG LAND DISPUTE NILINAW NA NG SC! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: