Facebook

Mas hitik na VLF 18 aarangkada ngayong Hunyo

Ni ARCHIE LIAO

AARANGKADA ang ika-18 edisyon ng Virgin Labfest mula Hunyo 7 hanggang 25, 2023 sa Tanghalang Ignacio Gimenez (CCP Blackbox Theater) kung saan tampok ang labindalawang (12) bagong one-act plays na isinulat ng mga beterano at mga baguhang playwrights.
Tinaguriang VLF 18: Hitik, ang taunang pestibal ay nagbibigay ng pagpupugay sa mga bago at napapanahong dulang pangteatro na hindi pa naipapalabas sa anumang entablado.
Ang edisyon ngayong taon ay nahahati sa apat na sets na may iba’t ibang tema.
Ito ay ang Adulting 101 (Set A), REBELasyon (Set B), Y.O.L.O. (Set C), and Muwang (Set D).
Tampok sa Set A: Adulting 101 ang “O” nina Raymund Barcelon at Missy Maramara, “10 To Midnight” nina Juliene Mendoza at Sarah Facuri at “Regine: The Fairy Gaymother” nina Chuck D. Smith at Mark Daniel Dalacat.
Ang O ay tungkol sa isang engaged couple na dumaranas sa krisis sa kanilang relasyon at pinagbibidahan nina Aryn Cristobal at Juan Carlos Galano.
Pinapaksa naman ng “10 to Midnight” ang conflict sa pagitan ng dalawang magkapatid. Tampok dito sina Bombi Plata at Jerome Dawis.
Tungkol naman sa kuwento ng isang closeted gay na nakatagpo ng kanyang fairy godmother ang kuwento ng “Regine: The Fairy Gaymother” na kinabibilangan nina Adrian Lindayag, Tex Ordoñez-De Leon, Ron Capindig at Anton Diva sa cast.
Ang Set B: REBELasyon ay binubuo naman ng “Tuloy Ang Palabas” nina Layeta Bucoy at Tuxqs Rutaquio, “Ang Awit ng Dalagang Marmol” nina Andrew Estacio at Nazer Degayo Salcedo at “Dominador Gonzales: National Artist” nina Dingdong Novenario at George De Jésus III.
Ang “Tuloy Ang Palabas”ay tungkol sa kuwento ng isang aktres na nagbabalik sa limelight pagkatapos ng tatlong taong pagkawala. Pinagbibidahan ito nina Shamaine Centenera-Buencamino atd Rissey Reyes-Robinson.
“Ang Awit ng Dalagang Marmol” ay tungkol sa hamong naranasan ng isang grupo ng mga aktor sa paghalaw ng isang popular classic song sa teatro. Kasama sa cast sina Adrienne Vergara, Kath Castillo, Jasmine Balunes, Andrew Cruz, Enzo Lapresca, Dane Hinol, Peewee O’Hara, Jeremy Ampongan at Psyche Queen Dorothy Saberon.
Ang ““Dominador Gonzales: National Artist” ay tungkol sa kolaborasyon ng isang manunulat at ng kanyang mentor sa muling pagbuhay ng kanyang career. Tampok dito sina Riki Benedicto, Joel Saracho at AJ Sison.
Kasama naman sa Set C: Y.O.L.O. ang “Room 209” nina Zheg Arban at Delphine Buencamino, “Mga Halimaw Rin Kami” nina Jules Pamisa at Tat Soriano, at “Hukay”nina Ophalain Serrano at Melvin Lee.
Ang “Room 209” ay tungkol sa kung paanong nabago ng isang kuwarto sa isang military academy ang isang kadete.
Cast members dito sina Jao Catarus, Gino Ramirez, CJ Barinaga, Denmark Brinces, Raphne Catorce, Earvin Estioco at James Lanante.
Sa “Mga Halimaw Rin Kami” ay tatalakayin ang diskurso ng isang aswang at manananggal. Tampok dito sina Chrome Cosio, Skyzx Labastilla, John Ven Soco, and Paul Jake Paule.
Ang “Hukay” ay tungkol sa kuwento ng dalawang taong sa paglilibing ng kanilang namatay na kabayo ay mabubuklat ang mga multo ng kanilang mga nakaraan. Tampok dito sina Andoy Ranay at Floyd Tena.
Sa Set D: Muwang naman ay tampok ang “Hawaii, Here We Come” nina Shenn Apillado at Mark Mirando, “Ang Tuyom” nina M. Manalastas at Gio Potes at “O’Donnell”nina Jerry O’Hara at Issa Manalo Lopez.
Ang “Hawaii, Here We Come” ay kuwento ng dalawang kasambahay sa Palasyo noong panahong napatalsik ang dating Pangulo at ang kanyang pamilya sa rehimeng Marcos. Pinagbibidahan ito nina
Madeleine Nicolas, Sheryll Villamor Ceasico, Gem Padilla-Thomas at Victor Sy.
Sa “Ang Tuyom” ay tatalakayin ang kuwento ng ínner demons na pinagdadaanan ng isang dramatista. Tampok sa cast sina Jude Matthew Servilla, Zöe De Ocampo, Opaline Santos, Serena Magiliw, at Fred Layno.
Ang “O’Donnell” ay tungkol sa kabayanihan ng mga ordinaryong sundalo sa isang military camp sa Capas, Tarlac, sa panahon ng Bataan Death March noong World War II. Kasama sa cast sina Aldo Vencilao, Miguel Delos Santos, Eshei Mesina, Joel Garcia, Ekis Gimenez at Johnny Maglinao.
Sa Set E: Hinog naman ay tampok ang revisited plays sa mga nakaraang edisyon ng Virgin Labfest tulad ng “Punks Not Dead” nina Andrew Bonifacio Clete at Roobak Valle. “Fermata”nina Dustin Celestino at Antonette Go-Yadao at “Nay, May Dala Akong Pancit” nina Juan Ekis at Karl Alexis Jingco
Sa Staged Readings section naman ay tampok ang “My Lover’s Presscon”nina Ross Manicad at Katreen Dela Cruz, “Kamay ng Orasan” nina Marc Noesis Marquez at Eljay Castro Deldoc, “Sino Ang Pumatay Kay Mr. Masangkay?” nina U Eliserio at Rolando T. Inocencio, at “TBT: Takbo, Batang Tondo”nina Mikaella Yoj B. Sanchez at Chic San Agustin-de Guzman.

The post Mas hitik na VLF 18 aarangkada ngayong Hunyo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mas hitik na VLF 18 aarangkada ngayong Hunyo Mas hitik na VLF 18  aarangkada ngayong Hunyo Reviewed by misfitgympal on Mayo 15, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.