
WOW, our President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. is right in appointing Sir Bienvenido Rubio as chief of the Bureau of Customs (BoC).
Nito lang April, nalampasan ng BoC ang target collection nito sa mahigit na P70 bilyon, what an accomplishment, mga kabansa.
Batay sa rekord, nakakubra si Rubio at ang mga mapagkakatiwalaang opisyal sa kawanihan na sina Deputy Commissioners Atty. Vener Baquiran, Atty. Edward James ‘EJ’ Dy Buco at Assistant Commissioner Vincent Philip ‘Jet’ Maronilla ng P68.274-B, mas mataas sa April target na P68.199-B at ito ay mas mataas sa P65.669-B na nakubra noong April 2022.
Kumbaga sa kalabaw, todo ang trabaho ng tropa ni Commissioner Rubio sa mataas na araw-araw na koleksiyon na umabot sa P7.51-B nitong April 28.
Eto pa ang maganda: sa loob ng apat na buwan, mas mataas ng 11 percent ang koleksiyon na P281.902-B kumpara sa P254.226-B na nakolekta sa katulad na apat na buwan noong 2022; at eto pa, mas mataas ito ng 6 percent, ayon sa rekord na nakubra noong April 2023 target na P265.22 bilyon.
Pag maganda ang trabaho, dapat lang purihin, kaya, bravo sa inyong magandang koleksiyon, mga bossing.
At hindi lang po tayo nakapansin sa magaling na trabaho ng BoC, kasi sabi ni Albay 2nd Dist. Rep. Joey Salceda, chair ng House Committee on Ways and Means, hindi lang good, kundi “very good ang collection performance nina Commissioner Rubio.
Sabi pa ni Salceda: “This suggests that despite uncertain global conditions, our tax collection agencies are exceeding expectations and are working hard to earn the lifeblood of the Philippine government.”
At maging si National Treasurer Rosalia de Leon ay nagsabi na malaking tulong ang koleksiyon ng BoC para mapaliit ang national deficit ng bansa.
Sabi ni Madam De Leon, dapat ituloy-tuloy ang magandang performance ng BoC (at ang Bureau of Internal Revenue, BIR) at ito ay makatutulong upang mabawasan ang pag-utang ng pamahalaan ngayong 2023.
Dahil dito, this paper joins Rep. Salceda and National Treasurer De Leon in expressing much appreciation and thanks to the very very good performance of the BoC and the credit goes to Commissioner Rubio at sa kanyang mga katulong na deputies Atty. Baquiran, Atty. Maronilla, Atty. Dy Buco, at mga district collectors, Carmelita ‘Mimel’ Talusan, Maritess ‘Meeks’ Martin, Michael Angelo ‘Miko’ Vargas, Atty. Ma. Rhea Gregorio, Atty. Dino Austria, Arnoldo Famor at iba pa.
***
Nitong nakaraang linggo, nakita natin ang magandang epekto ng pagtutulungan at koordinasyon ng BoC sa Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Navy (PN) at Philippine National Police (PNP) Maritime Group nang masakote ang tangkang pagpupuslit ng 1,350 kilo liters ng diesel fuel na itinago sa compartment ng “MV Veronica 1” nito lang Mayo 4 sa subport ng Sual, Pangasinan.
Worth P54 milyon ang kontrabando na nasabat sa operasyon kontra ismagling kasama ang makikisig na ahente ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement and Security Service (ESS) at Port Operations ng Subport sa Sual.
Sa maayos na kasunduan na ginawa ng BoC, naging mahigpit ang koordinasyon sa PN, PNP-MG, PCG para mabantayang mabuti ang ating coastal areas na madalas ipinupuslit ang kontrabandong langis, droga at iba pa.
Iba pag seryoso ang hepe ng Customs, mataas at lampas sa collection target, masipag pang manghuli ng mga ismagler at eto pa, balita natin, mahigit na sa 96 percent complete na ang digitalization sa Aduana.
Ngayon, sabi ni Commissioner Rubio mas mabilis ang processing ng dumarating na kargamento at magaang na ang transaksiyon at siyempre, malaking tulong ito sa komersiyo ng bansa.
Kamakailan, iniutos ni PBBM na pabilisin ang digitalization sa BoC (at maging sa BIR) kasi, mababawasan dito ang korapsiyon at ang epekto, mas mataas na koleksiyon – na naipakita ni Commissioner Rubio sa first quarter ngayong 2023.
Na-improve kasi ang compliance ng mga traders, importers at maayos ang ating transaksiyon sa iba-ibang bansa.
Nadagdagan pa ang propesyonalismo, episyenteng trabaho sa Aduana, at siyempre, ang tiwala ng taumbayan ay naibabalik at maitataas ang moral ng mga opisyal at kawani ng Customs.
Kaya pala ganadong magtrabaho ang mga tao sa Customs, kasi nakita nila, seryoso si Commissioner Rubio na mareporma at maging maayos ang lahat ng proseso sa mga transaksiyon sa Aduana.
Mas maayos, mas mabilis at masinop na trabaho, mabilis na makukuha at malalampasan pa ang collection target, at malaking tulong ito sa dagdag na pondo ng gobyerno para matustusan ang maraming proyekto sa kalusugan, edukasyon, impraestruktura, trabaho at iba pa.
Muli, ang ating pagsaludo sa inyong napakagandang trabaho, Commissioner Rubio at iba mo pang mga kasamahan sa Aduana.
At eto nga pala, iyung mga ismagler at mga tiwali, ay naku, may paglalagyan kayo ngayon kasi, mas tututukan ang mga kaso laban sa kanila.
Silang mga economic saboteurs ang tututukan ni Commissioner Rubio at ng Legal Division, at titiyakin na mas magiging mataas ang conviction ng mga kakasuhan.
Kaya bukod sa paglaki ng target collection, ang pagpapakulong sa mga walanghiya ang aasikasuhin ng BoC ngayon.
Kaya, kayong mga loko, magsipagtino kayo, dahil hindi kayo bibiruin ni Commissioner Rubio.
Hindi pa man, ang aming pagbati sa inyong mga tagumpay!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.
The post MGA LOKO SA CUSTOMS, MAGPAKATINO NA KAYO! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: