Facebook

P4.6 M sa 922 kabataan sa ilalim ng 5th EAP – Mayora Honey

MAY 922 kabataang mahihirap na estudyante ang tumanggap ng P5,000 bawat isa o katumbas ng mahigit P4.6 million sa ilalim ng 5th Educational Assistance Program (EAP) ng pamahalaang lungsod ng Maynila.

Personal na pinangunahan ni Mayor Honey Lacuna ang distribusyon ng nasabing cash asssitance sa tulong nina Vice Mayor Yul Servo at Manila department of social welfare chief Re Fugoso sa San Andres Sports Complex, Malate Manila.

“Alam ko medyo mahirap ang buhay ngayon… alam ‘yan ng inyong pamahalaan kaya kami ay nagsisikap na maging masinop at ayusin ang pamamahala ng pondo ng lungsod, nang magkaroon tayo ng mga programang kapaki-pakinabang sa lahat, bata man o matanda,” pahayag ni Lacuna sa kanyang maiksing mensahe sa harap ng mga kabataang estudyante kasama ang kanilang mga magulang at guardians.

Ayon pa sa lady mayor: “Isa sa mga programang gustong-gusto ko nung ako ay director ng DSW ay ang EAP. Bakit? Kasi kahit papaano, kahit na sinasabing galing sa pampublikong paaralan, meron pa rin talagang tustusin sa mga pangangailangan sa loob ng eskwelahan.”

Sinabi pa ni Lacuna na hindi man gaanong kalakihan ang tulong pinansyal na ibinibigay ng lungsod, umaasa naman siya na makakatulong ito sa pagtugon sa mga gastusin sa kanilang pag-aaral bagama’t libre naman ang matrikula sa pampublikong paaralan.

“Hindi kalakihan pero kahit paano, me magagastos kayo para sa inyong anak kung may kinakailangan,” dagdag pa niya.

Sinamantala rin ni Lacuna ang pagkakataon upang hilingin sa mga mag-aaral na, mag-aral ng mabuti dahil ginagawa ng kanilang mga magulang ang lahat para mapagtapos lamang sila.

Kaugnay pa nito ay umapela din si Lacuna sa mga magulang na gamitin sa tama ang natanggap ng cash assistance ng mga bata mula sa pamahalaan para sa pangangailangang pang-edukasyon ng mga kabataan kung saan naman talaga nauukol ito.

“Pagdamutan po ninyo ang nakayanan ng inyong pamahalaan. Ito lang ang aming paraan para maibalik namin sa inyo lahat ng suporta at pagtitiwalang ibinbigay n’yo sa amin. Kung wala kayo, wala kami sa inyong harapan,” ayon sa lady mayor.

Nabatid kay Fugoso na nasa mahigit P4.6 million ang ipinamahagi sa may 922 kabataan sa awarding ng 5th EAP sa San Andres Complex.

Ang 922 mapapalad na estudyante ay nagmula sa public schools na gaya ng paliwanag ni Fugoso, ay klasipikado bilang ‘under case management’ kung saan humingi ang mga ito ng tulong sa pamahalaan dahil ‘di na nila kaya pang tustusan ang mga karagdagang gastusin sa libreng pag-aaral ng kanilang mga anak.

Sinabi pa ni Fugoso na tinataguyod ng EAP ang karapatan ng mga kabataan sa libreng edukasyon at binibigyan ito ng financial assistance kada isang mahirap na bata na naka-enroll sa public elementary at high schools gayundin sa mga children in need of special protection (CNSP).

“The cash aid is meant to augment family expenses for school needs such as allowance, uniform, school supplies and shoes and materials for school projects,” ayon pa kay Fugoso. (ANDI GARCIA)

The post P4.6 M sa 922 kabataan sa ilalim ng 5th EAP – Mayora Honey appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P4.6 M sa 922 kabataan sa ilalim ng 5th EAP – Mayora Honey P4.6 M sa 922 kabataan sa ilalim ng 5th EAP – Mayora Honey Reviewed by misfitgympal on Mayo 18, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.