Facebook

Pulis nanutok ng baril sa mag-anak, inireklamo

Nasa hotwater ngayon ang isang pulis ng Tuguegarao City Police Station na inireklamo ng pagpaputok at panunutok ng baril sa magkakamag-anak sa bahagi ng Montilla Street, Carig Sur, Tuguegarao City.

Ayon kay Lt. Colonel Emil Pajarillo, tagapagsalita ng Police Regional Office 02, dinis-armahan na si SSgt. Winston Pagulayan, 35 anyos, miyembro ng Tuguegarao City Police Station, at residente ng Zone 6, Abolo, Amulung, Cagayan.

Inireklamo si Pagulayan nang tutukan ng baril ang tricycle driver na si Ramil Irringan, 52, biyudo at residente sa nasabing lugar.

Nadaanan lang daw nina Irringan ang pulis 9:00 ng gabi habang sakay niya sina Marie Vic Irringan, 55, dating OFW; at si Oliver Irringan, 20. Pagtapat daw nila sa isang apartment, sinigawan sila ng pulis sa hindi malinaw na dahilan pero dinedma lang nila at nagdiretso sa kanilang tinitirhan.

Labis na ikinagulat ng tatlong biktima nang bigla silang tutukan ng baril at saka nagpaputok sa ere.

Nakatakdang isailalim sa ballistic examination ang armas ni Pagulayan.

Kung walang aregluhan, maliban sa kasong administratibo, madedemanda ng grave threat at alarm and scandal ang nasabing pulis. (Rey Velasco)

The post Pulis nanutok ng baril sa mag-anak, inireklamo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pulis nanutok ng baril sa mag-anak, inireklamo Pulis nanutok ng baril sa mag-anak, inireklamo Reviewed by misfitgympal on Mayo 18, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.