Facebook

MGA SENADOR, TIPONG GINAGAGO NA NG INI-IMBESTIGAHAN NILANG MGA PULIS

Tipong ginagago na ng mga pulis ang mga senador na nag-iimbestiga sa kanila hinggil sa P6.7 bilyon halaga ng shabu na kanilang pinuslit umano sa mga kumpiskadong ebidensiya.

Ang mga senador na pinamumunuan ni Sen. Bato dela Rosa na siyang Chairman ng Peace, Order and Illegal Drugs Committee ay parang pinapaikot na lang umano ng mga ninja cops base sa mga sinasagot ng mga ito.

Ang senate hearing na nag-uumpisa ng umaga hanggang hapon ay humahantong lang sa wala sa dahilang wala silang mapigang ebidensiya sa mga naturang mga pulis.

Umiikot lang anila ang imbestigasyon sa puno ng kamatis sa mga tanong at sagot ng walang anumang ma-sustansiyang katibayan ang nakukuha sa mga pulis.

Marami ang nagsasabing masasayang lang ang oras, panahon at abala sa mga eskrimahan ng laway ng dalawang partido sa mga walang katuturang bagay.

Ito ay sanhi ng mga isinasagot ng mga naturang mga pulis na pawang mga kasinungalingan at sinasabing scripted na lang at tinuro na lang ng mga abogado.

Isa sa mga sikat at bantog na lagi na lamang sina-sambit ng mga pulis na ito sa tuwi-tuwina ay ang katagang ” I INVOKE MY RIGHT TO REMAIN SILENT” at doon nagtatapos ang boxing.

Sinasabi ng ilan eksperto na siyento porsiyento ng mga pulis na ito ay mga sinungaling at ito ay tumutugma rin sa kasabihang “ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw” na obvious namang makikita batay sa mga video footage at iba pang ebidensiya laban sa mga ito.

Masyado na anilang spoiled ang mga pulis na ito sa haba ng imbestigasyon isinasagawa ng senado kung ikukumpara sa ibang kaso hinggil din sa illegal na droga.

Kung karaniwang tao ka lang na mahuhulihan ng illegal na droga ng mga pulis na ito ay siguradong sintensiyado ka na sa loob ng isang linggo at kung medyo minamalas ka ay baka patayin ka pa ng mga ito.

Kahabag-habag nga naman ang mga kababayan nating naging biktima ng mga ito na ang karamihan ay gumagamit lang ng illegal na droga at ang iba naman ay posesyon na siguradong piya-piyait lang.

Ang mga ito ay bubuno ng 1-6 na taon sa bilibid samantalang ang iba naman na nahulihan ng 5 gramo pataas ay babagsak sa pusher o’ section 5 na may sintensiyang reclusion perpetua o’ life sentence tsk… tsk… tsk…

Malayong-malayo naman ang gramo sa kilo at tone-toneladang shabu na pinu-puslit ng mga pulis na ito na nagkakahalaga ng milyon hanggang bilyong piso. Ang malupit dito ay muli na namang babaha ng droga sa ating mga lansangan dala ng mga naturang pulis.

Sa puntong ito ay marami ang nagtatanong kung bakit ganon kahaba daw ang imbestigasyon gayong sipat na sipat naman daw ang pruweba at mga ebidensiya laban sa mga ito, ‘di po ba?

Marami na rin ang nag-iisip kung anong klaseng batas ba daw ang pinapatupad dito sa Pinas, iba daw kasi ang tinitingnan sa tini-titigan, he… he… he…

Kung sa bagay ay hindi lang naman daw karaniwang tao ang nakakaawa dahil mas nakakahabag daw ang mga senador na masusing nag-iimbestiga sa mga ito ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa ring katiting man lang na ebidensiyang na napipiga at magdidiin sa kanilang kinasasangkutan.

The post MGA SENADOR, TIPONG GINAGAGO NA NG INI-IMBESTIGAHAN NILANG MGA PULIS appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MGA SENADOR, TIPONG GINAGAGO NA NG INI-IMBESTIGAHAN NILANG MGA PULIS MGA SENADOR, TIPONG GINAGAGO NA NG INI-IMBESTIGAHAN NILANG MGA PULIS Reviewed by misfitgympal on Mayo 23, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.