Facebook

Da hu? Feeling poging konggerisista binoykot ng mga local officials

NAPAPRANING ngayon ang isang feelingerong konggresista dahil sa pagboykot sa kanyang ng mga lokal na opisyal sa kanyang ipinatawag sa isang ‘Congressman Night’.

Nabatid sa mga opisyal na inimbitahan ng konggresistang balitang babaero din na, hindi daw sila kayang silawin ng perang pinamimigay ng pulitiko tuwing nagpapatawag.

Sabi pa ng mga lokal na opisyal na kasamang nag-boykot na madalas at minamadali ng konggresista ang pagpapayanig at pagpapadulas kahit sa 2025 pa ang eleksyon.

“Atat na atat namang tumakbo sa binabalak nyang posisyon si congressman,” sabi ng mga nag-boykot na opisyal.

Isa pang dahilan umano ng boykot ay dahil, ayaw idikit ng mga lokal na opisyal ang kanilang pangalan sa konggresista dahil sa kwestyunableng yaman umano nito na itinatago sa isang kilalang bayan sa CALABARZON.

Kilalang-kilala ang konggresistang sa pagiging mahiligin nya sa mamahalin at magagarang kotse.

Huling clue, patuloy pa rin ang disqualification case nya sa House Electoral Tribunal.

The post Da hu? Feeling poging konggerisista binoykot ng mga local officials appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Da hu? Feeling poging konggerisista binoykot ng mga local officials Da hu?  Feeling poging konggerisista binoykot ng mga local officials Reviewed by misfitgympal on Mayo 23, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.