Facebook

‘Power outages, resolbahin’ — Bong Go

Nabahala si Senator Christopher “Bong” Go sa napaulat na pagkawala ng kuryente na nagaganap sa Luzon at iba pang bahagi ng bansa kaya nanawagan siya sa mga kinauukulan na agarang aksyonan ang problema at tiyakin ang matatag na suplay ng enerhiya para sa mamamayang Pilipino.

Sa isang ambush interview matapos tulungan ang mga pasyente at frontliners sa Talavera General Hospital sa Talavera, Nueva Ecija, sinabi ni Go na kung kinakailangan, maaaring magsagawa ng inquiry ang Senado para talakayin ang usapin.

Naghain sina Senador Sherwin Gatchalian at Grace Poe ng mga resolusyon na nananawagan ng imbestigasyon ng Senado sa usapin.

“Alam n’yo, kaya nga po tayo may Department of Energy. As member po ng Committee on Energy, kung sakali mang mag-hearing po sa Senado, I’m willing to participate,” paniniyak ni Go.

Binigyang-diin ng senador na ang kasalukuyang matinding temperatura na umaabot hanggang 40 degrees celsius o higit pa, ay nagdudulot ng malaking panganib sa kalusugan, na posibleng mauwi sa heat stroke.

Suinabi ni Go ang katotohanan na hindi lahat ay may kakayahang makabili ng mga generator, kaya mas mahalaga para sa pamahalaan na maging mapagbantay at maagap sa pagtugon sa mga potensyal na brownout sa iba’t ibang lugar sa buong bansa.

Dahil sa limang power plant na nakararanas ng forced outages, nagdeklara ang National Grid Corporation of the Philippines ng “red alert” para sa Luzon Grid noong Mayo 8.

Dahil dito, inatasan ang Manila Electric Company na magpatupad ng rotational brownouts.

Naglabas naman ng babala ang DOE noong Huwebes hinggil sa posibleng yellow alert sa mga darating na linggo dahil sa limitadong supply ng kuryente.

The post ‘Power outages, resolbahin’ — Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Power outages, resolbahin’ — Bong Go ‘Power outages, resolbahin’ — Bong Go Reviewed by misfitgympal on Mayo 13, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.