
INIHAYAG ng Manila International Airport Authority (MIAA) na ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang may pinakamataas na dami ng pasahero sa Internasyonal at flight movement sa isang buwan mula noong COVID-19 pandemic.
Ang MIAA na namamahala sa NAIA, ay nagsabi na ang pangunahing gateway ng bansa ay humawak ng 1,677,779 international passengers at 9,089 na internasyonal na flight noong Abril 2023.
Mahigit doble sa bilang ng mga pasahero at eroplano ang lumipad at lumapag, kumpara noong Abril 2022, kung kailan mayroong 663,824 internasyonal na pasahero at 4,494 na mga internasyonal na flight.
“Summer is indeed a popular time for vacation and international travel, not only for Filipinos taking advantage of airlines’ promotional fares or using travel funds for flights they couldn’t use due to the pandemic, but also for our international visitors wanting to see the Philippines,” ayon kay Bryan Co, MIAA Officer-in-Charge
Sinabi din ni Co na pagkatapos ng higit sa dalawang taon ng mga saradong hangganan ay inaasahan nito na ang momentum ng pagbawi ay magpapatuloy para sa turismo at industriya ng aviation kung saan ay binanggit na tinanggap ng NAIA ang 1,178,461 na mga pasahero sa pangkalahatan sa unang sampung araw ng Abril habang sinasamantala ng mga manlalakbay ang long Holy Week break.
Kasama ng mga domestic figure, nagrehistro ang NAIA ng kabuuang 3,666,503 na pasahero at 22,816 na flight noong Abril 2023.
Ito ay kumakatawan sa isang 50% na pagtaas mula sa 2,447,795 na mga pasahero noong Abril 2022, at bumubuo ng 86% ng 4,261,352 na mga pasahero noong Abril 2019, ang huling buong taon bago ang pandemya.
Ang paggalaw ng flight ay tumaas din ng 28% kumpara sa 17,774 na flight sa parehong buwan noong nakaraang taon, at katumbas ng 98% ng 23,327 na flight noong Abril 2019.
Nagtala ang MIAA ng average na 75.20% flight on-time performance (OTP) noong Abril 2023, isang pagpapabuti mula sa OTP rating noong Abril 2022 na 71.24%. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)
The post VOLUME NG PASAHERO SA INTERNASYONAL AT FLIGHT MOVEMENT, PINAKAMATAAS SA NAIA MULA NG PANDEMIC appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: