Facebook

Villars nanguna sa ika-walong selebrasyon ng Food Festival sa Las Piñas

Senators Cynthia at Mark Villar kasama si Deputy Speaker Camille Villar ay nakiisa sa pinakamahuhusay na kusinero mula sa Las Piñas City, na nagpapakita ng kanilang galing sa pagluluto sa 8th Las Piñas Food Festival ngayong Miyerkules, Mayo 24, na ginanap sa Villar Sipag complex sa Pulang Lupa Uno.

Lahat ng 20 barangays ay nagpadala ng kanilang kalahok alinsunod sa temang Nutrisyon mula sa Gulay para sa Malusog na Pamayanan.” Ang festicval ay naglalayong hikayatin ang mga tao na lumikha ng food fusion sa paghahanda ng pagkain pati na rin lumikha ng nutritional na pagkain.

Nanalo ang Barangay Pulang Lupa Uno ng P20,000.00 at trophy bilang grand winner 1st runner up ang Barangay Zapote, nanalo ng P15,000.00 at trophy ang Barangay Manuyo Uno ay nanalo ng P10,000.00 at trophy bilang 2nd runner up.

Itinanghal din ng taunang aktibidad ang nagwagi ngayong taon para sa urban gardening competition na nilahukan ng mga Barangay, HOA at mga Paaralan. Ang aktibidad ay pinasimulan ni Senator Cynthia Villar alinsunod sa kanyang agriculture at environmental advocacy. (CESAR MORALES)

The post Villars nanguna sa ika-walong selebrasyon ng Food Festival sa Las Piñas appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Villars nanguna sa ika-walong selebrasyon ng Food Festival sa Las Piñas Villars nanguna sa ika-walong selebrasyon ng Food Festival sa Las Piñas Reviewed by misfitgympal on Mayo 24, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.