TULAD ng inaasahan ng mga mamamayan ng Bacolod City, nagsumite noong ika-3 ng Hunyo ang More Power, ang kumpanya sa kuryente na pag-aari ng mangangalakal na si Ricky Razon, ng isang panukalang joint venture agreement na pag-isahin ang Central Negros Electric Cooperative (Ceneco) at More Power upang buuin ang isang bagong kumpanya na hahawak sa pamamahagi ng kuryente sa siyudad. Ngunit lugi ang Ceneco sa panukalang joint venture agreement. Ito ang ipinagpuputok ng butse ngayon ng mga mamamayan sa siyudad. Ito ang dahilan kung bakit kumontra ang Amlig Kuryente, isang consumer group na pinamumunuan ni Wilson Gamboa Jr., isang dating konsehal sa siyudad ng Bacolod. Batay sa position paper ng Amlig Kuryente, mawawalan ng poder ang Ceneco dahil agrabyado ito sa 70-30 porsiyento na panukalang hatian sa shareholding ng bagong kumpanya. Pabor sa More Power ang hatian dahil sa kanila ang 70%. Hahawakan ng More Power ang kapangyarihan sa lahat ng bagay sa bagong kumpanya. Nasa 30% ng shareholding, o sapi (stocks), ang hahawakan ng Ceneco na ang mga kasapi ay ang mga mamamayan ng Bacolod City at ibang bayan ng Negros Occidental na gumagamit ng kuryente. Ito ang itinatadhana sa batas tungkol sa REC. Automatikong kasapi ng isang REC ang mga mamamayan na gumagamit ng kuryente. Tumututol ang Amlig Kuryente sa panukalang joint venture agreement sapagkat mawawalan ng tinig ang mga mamamayan sa pamamahala ng bagong kumpanya. Hindi kumporme ang Amlig Kuryente at Ceneco labag sa hatian ng mga sapi sa itinatadhana ng RA 10531, ang batas para palakasin ang mga rural electric operative at patatagin upang magtagumpay sa kalakalan. Ayon sa position paper, nilalabag ng panukalang joint venture ang probisyon ng RA 10531tungkol sa poder, tungkulin, at pribilehiyo ng National Electrification Administration na ang pangunahing tungkulin at mandando ay palakasin at patatagin ang mga rural electric cooperative sa buong bansa. Ikinatwiran ng Amlig Kuryente na kung matutuloy ang mungkahing joint venture agreement sapagitan ng Ceneco at More Power, tuluyan nang hihina ang ceneco at mawawalan na ito ng pagkakataon na maging malaya dahil ibibigay lang sa More Power ang 70% ng kanilang asset at sapi. Hindi ito ayon kahit sa lohika. Basta papasok ang pribadong kumpanya upang saklarin ang trabaho ng REC. Hindi kailangan ang More Power sa Bacolod City. Magiging kakatwa ang sitwasyon, ayon sa Amlig Kuryente, kung matuloy ang JVA dahil tuluyang mawawalan ng poder ang NEA sa Ceneco kahit hawak nito ang 30% ng sapi. Nawawalan na rin ng pagkakataon na tumatag at maging malakas ang Ceneco sa larangan ng pamamahagi ng kuryente sa Bacolod City at mga katabing bayan.
***
KALAGITNAAN ng Pebrero ng taong ito nang nakatanggap ang pamunuan ng Ceneco ng kalatas mula sa More Power na basta kunin ang trabaho ng Ceneco ng walang kalaban-laban anumang oposisyon. Ipinapanukala ng More Power na lamunin ng buo ang Ceneco kahit na walang ginawang kamalian o kasalanan sa kanila at maski sa mga mamamayan ng Bacolod City. May isang malaking grupo ng mamamayan ang balak dalhin ang isyu sa Korte Suprema sapagkat hindi ito umano ayon sa batas. Hindi ganito kadali na papasok ang isang pribadong kompanya upang basta kunin ang isang rural electric cooperative(REC), anila. Kung makakakuha sila ng TRO mula sa korte, mahihirapan ang grupo ni Ricky Razon na kunin ang REC sapagkat naiiba ang estratehiya na gagawin ng More Power. Hindi pabor kay Ricky Razon ang batas sa kuryente. Nandiyan ang RA 10351 na may malinaw na probisyon upang palakasin – at hindi kunin at kubkubin – ng mga pribadong kumpanya. Hindi maihahambing ang Ceneco sa Panay Electric Company (PECO) nabasta kinuha ni Razon mula sa pamilya Cacho na dating may-ari sa isang kontrobersyal na takeover noong 2019 na humantong sa husgado. Umabot sa isang daan taon na nagbenta ng kuryente ang PECO sa siyudad ng Iloilo, ngunit pinilit ng kumpanya ni Razon na sunggaban ang PECO sa pamilya Cacho. Iba ang kaso ng PECO sa Ceneco. Pribadong kompanya ang PECO samantalang rural electric cooperative (REC) ang Ceneco at magkaiba ang mga batas na sumasaklaw sa kanilang operasyon. Hindi natin batid kung paano babaluktutin ng mga abogado ng More Power ang mga batas upang umayon sa kanilang agenda. Hindi maganda ang reputasyon ng More Power sa industriya.
***
BASAHIN ang pahayag ni Sen. Risa Hontiveros sa panimula ng public hearing tungkol sa mga naantalang biyahe ng mga eroplano sa ating paliparan. Ang sabi sa isang post online, kapag nagsimula nang mamigay ng ensaymada, bottled water, o packed lunch sa airport, kabahan ka na. Dahil confirmed: delayed ang flight mo. Ngayon, maaaring tawanan na lang natin yan, pero sa mga nakaranas nyan sa kanilang mga holiday at filed leave, sangkaterbang abala, horror story, at bangungot ang kasabay ng mga pagkaing iyan. Nang magsulputan na ulit ang mga inaabangang promo fares, ang nasa isip ng mga tao, ang kanilang experience sa travel destination. Pero lately, sa sunud-sunod na aberya, na sumasakto pa sa mga long weekend, imbis na mag relax at makapag-enjoy ng bakasyon ay stress pala ang aabutin. Sa socialmedia, trending ang airlines natin, but for all the WRONG reasons: Ang daming reports ng biglaang pag-kansela at mga last-minute rescheduling ng flights.After this hearing was set, my office email and social media accounts were also flooded with complaints from passengers. Ang hinaing nila, lalong napapagastos ang mga bakasyonista, ang daming hindi nakakapunta sa mga appointments, hanggang sa yung iba, sa airport na lang talaga nagpapalipas ng holiday or natutulog. Kaya huwag po sanang masabi ngayong umaga na ito ay tungkol lamang sa mga flight. Friends, dear colleagues, the cost of a delayed or canceled flight is almost always more than the price of the ticket. Hindi lang ang biniling ticket ang nasayang, pati na ang canceled hotel reservations, business opportunities, at stress dahil sa naunsyaming bakasyon. Ilang buwan din tayong nag-aayos ng itinerary, at nagko-coordinate sa mga pamilya at kaibigan, kasama na ang mga uuwi galing abroad, para lang matuloy ang mga plano sa group chat. These kinds of inconveniences disrupt the travel experiences also of tourists, and as the chair said, could negatively affect the tourism sector. Paano pa natin ipinagmamalaking top tourist destination ang bansa kung puro stress at aberya ang pwedeng sumalubong pati sa mga turista?Umaasa po ako na sa pagdinig na ito, hindi lang airlines ang dapat managot. The regulators —Civil Aeronautics Board and the Department of Transportation — the agencies mandated to supervise, control and regulate these air carriers should also be held accountable. Kasama ng chair, at ng aking mga kasama, hindi ako papayag naisama sa kultura natin ang canceled, rescheduled, at delayed flights.
***
Email:bootsfra@yahoo.com
The post IMORAL, WALANG BASEHAN appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: