MAYROON ng Goodwill Ambassadress sa People’s Republic of China (PRC) ang Lungsod ng Maynila.
Ito ay matapos na ianunsyo ni Mayor Honey Lacuna ang appointment sa nasabing posisyon ni Chang Lai Fong, na siyang founding President ng Philippine Qipao Charity Association, Inc.
Ayon kay Lacuna, ang designasyon ni Chang ay nilagdaan mismo ng alkalde at attested naman ni City Administrator Bernie Ang, at ito ay may layuning “foster, promote, advance and coordinate mutual cooperation, assistance and partnership between the capital city and the different cities, provinces and regions of the People’s Republic of China.”
Umaasa din na si Chang ay tutulong upang makapanghikayat na makapagtatag ng sisterhood o twinning agreement/relationship para sa nasabing adhika, dagdag pa ng alkalde.
Sinabi ni Ang na si Chang ay matagal ng nagsasagawa ng philanthropic works and activities para sa Maynila sa nakalipas na maraming taon.
Ang designasyon, ayon pa kay Ang ay alinsunod sa Article II, Section 20 ng 1987 Constitution na nagsasaad na : “State recognizes the indispensable role of the private sector as the main engine of national development.”
Ito ay alinsunod din sa Section 35 ng Republic Act No. 7160, na kilala bilang Local Government Code of 1991 na humihikayat sa partisipasyon ng pribadong sektor sa local governance partikular sa paghahatid ng mga basic services, capacity building, tourism, livelihood projects at sa pag-develop ng local enterprises na dinisenyo upang paunlarin at palakasin ang kakayahang pang-ekonomiya at sosyal ng mamamayan sa loob ng nasasakupang lugar. (ANDI GARCIA)
The post Maynila, may embahador na sa PRC – Mayora Honey appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: