Facebook

Julie Anne na-bash sa paggamit ng titulo ni Jolina

Ni ARCHIE LIAO

PINAG-uusapan ang promo teaser ng pinakabagong talent reality search na “The Voice Generations” na tinawag ang isa sa coaches ng show na si Julie Anne San Jose bilang “The Pop Icon” coach.
Marami ang umalma sa nasabing titulo na ipinagkaloob sa nasabing singer-composer.
Hirit ng mga nagmamaldita, hindi raw deserved ni Julie Anne ang nabanggit na titulo.
Para naman sa karamihan, ang Kapamilya actress, TV host at singer lang daw na si Jolina Magdangal ang may hawak ng ganoong title.
Dahil sa pagproprotesta ng mga nagmamahadera, binago na ang title ni Julie Anne bilang “The Limitless Star Coach”.
Ito naman ang samu’t saring reaksyon ng netizens sa bagong tawag sa girlfriend ni Rayver Cruz.
“Nadisappoint ako na binawi nila yung unang tag sa kanya. Dapat pinanindigan dahil kung yun talaga ang sa tingin ng network na na-earn niya at deserve niya, dapat di binago nang dahil lang sa bashing ng fans nung iba. Maraming pop icons ang ibat iba’t henerasyon. Kung sa henerasyon ngayon ng mga bagets at genz ay siya ang pop icon nila, bakit nag-give in sa kuda ng negas? Maganda nga na napag-usapan para sa show kaya dapat keber na lang sana ang GMA sa negas at pinanindigan.
“Mali rin na kinompara ang achievements ni jolens sa kanya kasi magkaiba sila ng tenure sa showbiz. Bagets pa ito oh. Naawa ako kay julie sa soc med. Kahit pala wala kang ginagawa, grabe tirada ng tao. No wonder kung bakit ang ibang celebs grabe ang mental health problems. Wala kang kalagyan sa mga utaw.”
“POP ICON Pa kasing nalalaman Hindi Nga Yan maka soldout Ng Concert kahit Music Museum Lang LoL ??????”
“Parang unlimited rice lang baks”
“Why do we always give title? ang baduy kaya.”
“Sana “infinite” or “boundless” na lang. Or “The Star Without Limits”
“Jhusko, kung sino man ang nakaisip nyang The Pop Icon Coach, mag-apologize ka kay Julie Anne. Kawawa. Na-bash ng dahil sa ‘yo. Tapos di nyo napanindigan? Tsk.”
“Actually kahit yung Asia’s limitless Star di rin bagay sa Kanya dito Nga di Yan sikat Asia Pa kaya And wala Syang napasikat Na Kanta So please Lang ??????”
“Super galing ni Julie pero parang naging limited naman ang narating nya sa music industry. Limitless star?”
Ang “The Voice Generations” ang pinabagong singing competition ng GMA-7 na iho-host ni Dingdong Dantes.
Maliban kay Julie Anne, magiging coaches din sina Billy Crawford, Chito Miranda at Stell ng grupong SB19.

The post Julie Anne na-bash sa paggamit ng titulo ni Jolina appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Julie Anne na-bash sa paggamit ng titulo ni Jolina Julie Anne na-bash sa paggamit  ng titulo ni Jolina Reviewed by misfitgympal on Hunyo 15, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.