Patuloy umano na umiikot at nangongolekta ng “weekly payola” sa mga Bahay aliwan sa lungsod ng Pasay at Parañaque ang mga nagpapakilalang vice-squad ng grupong National Capital Region Police Office (NCRPO) at Southern Police District (SPD).
Habang patuloy naman na itinatanggi ng m,ga nasabing tanggapan na “No Take” Policy at wala silang inuutusan na mangolekta ng linguhang “WEEKLY PAYOLA” sa mga bahay putahan pero patuloy na umiikot ang mga nagpapakilalang vice-squad sa mga bahay aliwan gamit ang pangalan at tanggapan nina NCRPO Chief, Police Major General Edgar Alan Okubo at SPD Director PBGen Kirby John Kraft.
Ang mga vice-squad ‘kuno’ na nag-iikot ngayon at nangongotong sa mga bahay aliwan sa lungsod ng Pasay at Parañaque ay kinilalang sina alyas RICKY, ELMER, OWAN at ROMY LAKAY na diumanoy nagpakilalang sagradong mga bata ng nasabing mga tanggapan ay humihingi ng P30K kada linggo sa bawat bahay aliwan sa mga nabanggit na lungsod.
Ayon sa ating source isang opisyal ng RSOG at opisyal ng DSOU ang umanoy nag-uutos sa mga nabanggit na collector para kumuha ng “weekly payola” sa mga operator ng DISCO KTV BAR sa lungsod ng Pasay at Parañaque.
Bukod sa Pasay at Parañaque umiikot din at nanghihingi ng “weekly payola” ang mga “kolek-tong” sa mga beer house sa Taguig, Makati, Pateros, Muntinlupa at Las Piñas maging sa lungsod ng Maynila at Quezon itong sina alyas ROMY LAKAY, OWAN, ELMAER at RICKY.
Nabatid ng source, na ang intelihensiya na nakukuha naman sa mga bahay aliwan at iba pa illegal vices na nanggagaling sa mga nabanggit na lungsod ay bank to bank diumano ipinapasok sa account ilang tiwaling PNP officials at saka ipapadala sa tao ni General na si alyas Spike?
Ayan po PNP Chief, General Benajamin Acorda Jr., Sir, ang magagaling mong mga tauhan na ang inaatupag ay kolek-tong pa rin sa kabila nang mahigpit ninyong utos na tigilan na ang gawain na ito kasabay ang pagpapatupad sa “One Strike” Policy.
Ang pangamba natin, baka pati ang opisina ni PNP Chief Acorda ay ipinapangolekta na rin ng grupong ‘yan?!
Subaybayan natin!
***
Suhestyon at Reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com. – Ugaliin ring makinig sa programang “BALYADOR” mula lunes hanggang biyernes 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing miyerkules 9:00am-10:00am sa 96.9 FM Radyo Natin Calapan City, Oriental Mindoro at tuwing Sabado 9:00am-10:00am sa DWBL 1242 kHz AM Mega Manila. Mapapanood live sa Facebook at Youtube chanel.
The post NCRPO Chief at SPD Director gamit sa “kolek-tong” ? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: