Facebook

Rep Chua pinuri ni Mayora Honey dahil sa bagong dialysis center sa Binondo

GOOD news para sa mga residente ng third district na kailangan ang dialysis.

Inanunsyo ni Manila Mayor Honey Lacuna na nag-sponsor si Congressman Joel Chua (3rd district) ng dialysis center sa Binondo, Manila upang tulungan ang mga pasyente na hindi kaya ang gastusin sa prosesong medikal na ito.

Ayon kay Lacuna, ang bagong dialysis center na tinawag na Passion Health Care Dialysis Center, ay karagdagan sa mga umiiral ng dialysis centers sa Sta. Ana Hospital, Ospital ng Maynila at Gat Andres Bonifacio Medical Center na pinamumunuan ni Director Dr. Ted Martin at siyang pibakamalaki sa Southeast Asia kung saan kayang magsilbi ng 100 pasyente at any given time.

Pinasalamatan ng alkalde si Chua para sa nasabing proyekto, kasabay ng pagpapahayag niya ng pag-asa na makapaglagay pa ng mga dialysis centers sa natitira pang distrito ng Maynila na wala pa nito.

Sinabi naman ni Rep. Chua na ang bagong medical facility ay maglilingkod sa mga pasyenteng indigent na kailangan ng libreng dialysis na isa-subsidized ng PhilHealth.

Dahil dito, sinabi ni Chua na ang mga medical referrals na mula sa kanyang tanggapan at tatanggapin sa Passion Healthcare Philippines, Inc. sa Binondo.

“We made sure that Passion Healthcare complies with the Department of Health and PhilHealth standards on accreditation and quality standards for that kind of healthcare facility,” sabi ni Chua.

Ang dialysis center, ay matatagpuan sa Barangay 288, Binondo sa ilalim ni Chairman Bernard Go, at pagmamay-ari at ino-operate ng Passion Healthcare Philippines, at tulad din ng ibang dialysis centers sa ibang lugar na nagsisilbi sa nga indigents na nangangailangan ng libreng dialysis na binabayaran ng PhilHealth.

Upang makapag-avail libreng dialysis na serbisyo, sinabi ni Chua na ang mga indigent patients sa third District ay aasikasuhin sa field offices kung saan sila iinterviewhin at ia-assess. Mayroon din forms na kailangan i-fill in at kailangan din ang documentation as per regulations ng DOH at PhilHealth.

Ipinaliwanag ng chief of staff ni Chua na Richelle Pobre na ang nasabing healthcare company at ang tanggapan ni Rep. Chua ay nag-tied up para ang lahat ng endorsements ay uunahin at makapag-avail ng dialysis ng libre mula sa free Philhealth a medical assistance program ni Chua.

Idinagdag pa ni Pobre na ang mga walang Philhealth ay aayusin sa tanggapan ni Chua.

Sina Lacuna at Chua ang nanguna na sa pormal na pagbubukas ng Binondo dialysis center, kasama sina Vice Mayor Yul Servo, Liga ng mga Barangay head Lei Lacuna, barangay chair Evelyn de Guzman at third district Councilors Fa Fugoso, Apple Nieto, Terence Alibarbar, Tol Zarcal, Maile Atienza at majority leader Atty. Jong Isip. (ANDI GARCIA)

The post Rep Chua, pinuri ni Mayora Honey dahil sa bagong dialysis center sa Binondo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Rep Chua pinuri ni Mayora Honey dahil sa bagong dialysis center sa Binondo Rep Chua pinuri ni Mayora Honey dahil sa bagong dialysis center sa Binondo Reviewed by misfitgympal on Hunyo 17, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.