Facebook

Umorder ng celfone, ulo ng kambing ang natanggap!

VIRAL ngayon sa social media ang post ng isang netizen na nagngangalang “Adulpo Ampatuan”, tubong Ilocos Sur, nang i-flex ang natanggap na ulo ng kambing na nakadila pa, sa halip na ang inaasam-asam na cellphone sa binilhang online seller.

Napag-alamang ang pangalan ng seller na “Gemma Magabo” ay nagtatrabaho sa Marikina City, Metro Manila.

“Sa mga nakakilala po kay Gemma Magabo nag-work sa Marikina, nag-order ako ng (Vivo) phone, ang dumating ulo ng kambing, humanda ka lang,” aniya sa kaniyang caption.

Kalakip ng Facebook post ang mga “resibo” ng kaniyang natanggap na ulo ng kambing, na nakadila pa.

Pero, marami silang “nabudol” sa post na ito.

Ayon sa panayam kay Adulpo, walang dapat ipag-alala dahil magkakilala sila ng “inirereklamong” si Gemma; sa katunayan, magpinsan sila. Pareho silang tubong Ilocos, ngunit sa ngayon nasa Quezon City si Adulpo para sa kaniyang trabaho.

“Katuwaan lang po,” ani Adulpo.

“Magpinsan po kami ni Gemma. Yung family po nila, may kambingan.”

Sa katunayan, makikita rin sa Facebook post ni Gemma ang tungkol sa kanilang katuwaan post.

“Oh ‘yung mga nauto dyan. Nuod naman (kayo) ng reels ko para mamonetized na account ko ?? May libreng kambing, may freebie sahog,” aniya.

“Baka pagsasampalin ko pa ‘yang mga followers mo ng iPhone14 promax fully paid,” biro pa ni Gemma sa pinsang si Adulpo.

The post Umorder ng celfone, ulo ng kambing ang natanggap! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Umorder ng celfone, ulo ng kambing ang natanggap! Umorder ng celfone, ulo ng kambing ang natanggap! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 01, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.