Facebook

Ai Ai inamin pinababata ng mister na si Gerald

Ni ARCHIE LIAO

MAY panlaban na naman ang Comedy Queen na si AiAi delas Alas sa acting awards sa latest starrer niyang Litrato na handog ng 3:16 Media Network ni Ms.Len Carillo.
Ani AiAi, first daw niyang gaganap bilang isang Lola na may Alzheimer’s disease.
Katunayan, para raw maging kapani-paniwala, hindi lang daw siya pinatanda sa movie bagkus ay inaral niya pati ang boses at maging paglakad ng isang senior citizen na may dementia o mild memory loss.
Hirit pa niya, nahirapan nga raw ang production kung paano siya pagmumukhaing matanda.
“Sila ang nahirapan na patandain ako. Wow, eh’ di ikaw na,” lahad niya na may halong pagbibiro.
Sey ng komedyana, ang pagmamahal daw ng hubby niyang si Gerard Sibayan ang nagpapabata sa kanya.
Nakatulong din daw na nagtratrabaho siya sa isang nursing home o geriatric facility sa Tate bilang activity director kaya may peg siya sa kanyang role.
“Yung iba do’n, ‘yung mga characters nila, nakuha ko, so parang medyo madali ‘yung kung sino ang kokopyahin ko sa kanila. Iyong isang nakilala ko kung ano iyong iyak doon, ganoon siya umiyak, sa kanya ko kinopya iyon,” aniya.
“Kasi bawal kaming sabihin iyong mga pangalan. Ano nga siya, medyo Chinese-Vietnamese tapos tuwing…Meron kasing para nagvi-videocall sila ng mga kumare niya.Talagang…kasi noong meron pang Covid, doon ko siya nakikita kasi ako iyong naghahawak ng videocall, so talagang nakikita ko kung paano siya umiyak,” dugtong niya.
Nagpapasalamat din si AiAi dahil reunited siya sa paborito niyang direktor na si Louie Ignacio na nagbigay sa kanya ng international best actress awards sa 2017 Asean International Film Festival and Awards sa Malaysia para sa pelikulang “Area” at 39th Oporto International Filmfest sa Portugal para sa Cinemalaya movie na “School Service.”
Ang Litrato ay kuwento ng kakaibang pagkakaibigan ng isang lolang nakalagak sa home for the aged at ng kanyang caregiver.
Mula sa direksyon ni Louie Ignacio at sa panulat ni Ralston Jover, tampok din sa pelikula sina Ara Mina, Liza Lorena, Quinn Carillo at Bodjie Pascua.

The post Ai Ai inamin, pinababata ng mister na si Gerald appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ai Ai inamin pinababata ng mister na si Gerald Ai Ai inamin pinababata ng mister na si Gerald Reviewed by misfitgympal on Hulyo 05, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.