KAILANGAN tutukan ang edukasyon ng bansa. Pasama ang uri ang mga tapos ng elementarya at hayskul. Kung patuloy ang dausdos ng edukasyon, dadami ang natapos ng elementarya na hindi marunong bumilang, bumasa, at sumulat. Dadami and tapos ng hayskul na walang alam sa matematika, physics, kasaysayan, at walang kasanayan upang mabuhay ng marangal.
May mga pag-aaral sa kasalukuyan o nakalipas na 40 taon na nagpatunay sa mababang uri ng mga graduate ng elementarya at hayskul. Sa science achievement test ng mga batang edad 10 ng International Assessment on Educational Achievement noong 1983, ang mga batang Pinoy ang pinakahuli kung ihahambing sa mga mag-aaral ng 13 karatig-bansa. Nanguna ang mga batang Japones at Koreano. Mababa ang marka ng mga Pinoy sa matematika at agham.
Sumapi ang Filipinas sa Programme for International Student Assessment (PISA), programa ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), upang tukuyin ang katayuan at kaalaman ng mga kabataang Pinoy, edad 15, sa pagbabasa (reading literacy), matematika, at agham. Ginagawa ang pag-aaral tuwing ikatlong taon.
Layunin ng bansa na malaman kung kung hanggang saan ang batang Pinoy kapag inihambing sa mga kaedad sa ibang bansa. Ngunit kahit sa pag-aaral ng PISA, lumabas na isa sa mga kulelat ang Filipinas. Totoong napag-iwanan ang edukasyon ng bansa. Hindi na akma ang kalibre.
***
HINDI namin alam kung may programa ang Deped upang punan ang mga kulang sa edukasyon ng kabataang Filipino. Hindi namin alam kung ano ang laman ng programa upang makahabol kahit paano ang mag-aaral na Pinoy sa mga taga-ibang bansa.
Mas hindi namin alam kung alam ni Sara Duterte, kalihim ng edukasyon, ang mga suliranin sa larangang ito. Hindi kasi siya nagsasalita. Abala siya sa pagbibintang ng mga guro na batay sa kanyang makitid na pananaw at kamangmangan ay mga kasapi ng mga organisasyong lihim na ang pangunahing agenda ay ibagsak ang pamahalaan.
Hanggang ngayon, walang ginagawa o sinasabi si Sara kung paano paangatin ang edukasyon ng bansa upang humabol ang kabataang Pinoy at magkaroon ng malinaw na papel s kaunlaran ng bansa. Wala kasi siyang malinaw na agenda.
Hindi namin alam kung batid ng mga mambabatas lalo na si Sherwin Gatchalian at Roman Romulo na seryoso ang problema ng mga kabataan sa edukasyon. Bagaman sila ang chair ng mga komite ng edukasyon sa Senado at Kamara de Representante, nanatili silang tahimik kung paano makakahabol ang batang Pinoy sa mga taga-karatig bansa.
Maituturing na malamig pa sa ilong ng pusa ang dalawang mambabatas. Hindi namin alam kung alam nila ang lalim ng suliranin ng bansa sa edukasyon at kung may solusyon sila upang paangatin ito. Hindi namin alam kung ginagawa nila ang oversight function na ibinigay sa kanila ng Saligang Batas at kung binabantayan nila ang Ehekutibo sa usaping ito.
Sa ngayon, mukhang takot silang banggain si Sara. Takot silang isalya ang kanilang poder upang hingin ang dapat mula sa Deped. Mukhang magkakabarkada sila upang tuluyan mawasak ang edukasyon ng kabataan.
***
NAIS ng mga state prosecutor ng DoJ na umurong si Muntinlupa City RTC Branch 204 Judge Abraham Joseph Alcantara sa paglilitis sa huli at pangatlong sakdal laban kay Leila de Lima. Wala silang naibigay na dahilan maliban sa sabihin na abswelto ni Alcantara si de Lima sa pangalawang kaso.
Ang problema ng mga state prosecutor ay tuyo ang kanilang mga utak. Hindi sila magaling sa batas. Kailangan kakampi nila ang huwes upang mailatag ang baluktot na katwiran at manalo sa sakdal. Sanay silang matalo dahil mga pipitsugin at patapong uri sila ng manananggol. Sa maikli, sanay silang natatalo. Ito ang aking post:
DoJ LAWYERS ARE NERVOUS, AREN’T THEY?
There were previous moves to consolidate the three court cases against Leila de Lima into a single court case, but they did not prosper. In fact, it was the government, which moved to consolidate the cases into a single one, but it did not occur as judged citied the distinct nature of each case Hence, the cases have remained separate and distinct until recently when the individual court has taken the initiative to decide on each case on the basis of its merits.
On Oct. 10, 2017, the Supreme Court rejected the petition to quash her indictment for drug trafficking. It ruled the RTC, not the Sandiganbayan, was the venue to hear drug cases brought against public officials. The Supreme Court en banc voted 9-6 to junk her plea for lack of merit. The following year, or on June 6, 2018, the High Court denied with finality de Lima’s petition on her drug-related arrest. It dismissed the senator’s October 10, 2017 petition, but de Lima’s camp filed another motion for reconsideration in Nov, the same year. It was also dismissed.
Now, the state prosecutors want Judge Abraham Joseph Alcantara to inhibit because he acquitted de Lima on the second case. So far, that is the only argument these mediocre, third rate lawyers have raised. They have not raised any argument of cooptation or onesidedness on the Judge’s part. These lawyers are truly mediocre.
***
MGA PILING SALITA: “Absolutely, the anti-drug campaign must be pursued relentlessly, this time within the bounds of law, sincerely without fear or favor, and infusing effective drug rehabilitation programs.” – Leila de Lima, bilanggo ng budhi
“In a federal system Phl style, government expenditures would go up to fund another layer in the bureaucracy, the proposed 18 federated states. Hence, taxes would go up since the federated states would have the power to raise new taxes. Juan dela Cruz ends up overtaxed. Where’s progress under the much ballyhooed federal system?” – PL, netizen, kritiko
“To all our U.S.-based compatriots: Please stop referring to our country – or your country of origin – as PI, or P.I., or the Philippine Islands. I know you mean no malice, but I am totally pissed off when you address the Philippines as the Philippine Islands, or P.I., or PI. This is simply because PI connotes colonial status. The Philippines is no longer a colony of the United States. Neither does it mean it has to live under the latter’s claws and shadow. The appropriate way is to call our country, or if you’re already American citizens, your country of origin, as the Philippines. It’s the Philippines, plain and simple. You can use the abbreviated Phl, or PH, to refer to the Philippines. Using that colonially laden initials PI is quite discomfiting, to say the least.” – PL, netizen, kritiko
The post EDUKASYON AT SARA (5) appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: