Facebook

Suntok sa buwan ang pananaw ni BBM sa giyera?

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Ipapalusob kayo ni Yahweh sa isang bansang mula pa sa kabilang panig ng daigdig. Hindi ninyo alam ang kanilang wika. Simbilis ng agila na sasalakayin nila kayo… Uubusin nila ang inyong mga hayop, pati ang ani ng inyong lupain. Wala silang ititira sa inyong ani, inumin, langis, baka o kawan, hanggang sa kayo’y malipol…” (Deuteronomio 28:49-51, Ang Tanging Daan Bibliya).

***

“SUNTOK SA BUWAN”: Ganito isinasalarawan ng ilang mga nagmamasid sa mga kaganapan sa Malacanang, sa tanggapan ng Pangulo ng bansa, ang pahayag ng Pangulong Marcos na hindi masasama sa giyera ang Pilipinas kapag nagkagulo o nagkaputukan na ang China at ang Taiwan, at maging ang China at ang Estados Unidos.

Dahil may mga base militar ang Estados Unidos sa Pilipinas, na ngayon ay nadagdagan pa ng apat matapos palawakin ang EDCA o Enhance Defense Cooperation Agreement sa pagitan ng US at Pilipinas sa pagpasok ng 2023, tiyak kasama sa mga bobombahin ng mga nagtutunggaling bansa ang Pilipinas.

Noong mga nakaraang araw, sinabi ng Pangulong Marcos na hindi madadawit sa anumang giyera ang Pilipinas dahil hindi niya papayagan diumano na magamit ang EDCA bases sa bansa sa anumang labanan na inaasahang sisiklab sa mga susunod na araw.

Pero, may ibang pananaw ang maraming netizens sa pahayag na ito ng Pangulo. Sinasabi ng mga netizens na hindi na magiging mahalaga sa mga bansang naglalabanan kung ipagagamit ba ni Marcos ang mga base militar ng US sa Pilipinas o hindi, bilang staging areas ng mga puwersang Amerikano.

Inihahambing ng mga nagmamasid na ito ang nangyari sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung saan isa sa mga unang binomba ng mga puwersang Hapones noon ang Pilipinas dahil dito nakalagay ang tinawag na United States Army Forces in the Far East, o USAFFE.

Magiging parang magnet na uunahing tirahin ng mga naglalabanang bansa ang mga base militar ng US sa Pilipinas, na tiyak magdudulot ng kapinsalaan at kamatayan sa mga Pilipino.

Dahil dito, nananawagan ang marami sa Malacanang na pag-aralang mabuti ng Pangulong Marcos ang pahintulot ng bansa na magkaroon ng mga dagdag na American bases sa apat na lugar sa Pilipinas bunga ng EDCA.

***

AND KNK, MAGHAHAYAG NG KANIYANG POSISYON SA MGA ISYUNG PAMBAYAN: Inumpisahan na, ilang araw na ang nakakaraan, ng Simbahang Anak Ng Diyos Kadugo Ni Kristo, AND KNK, ang paghahayag ng kaniyang posisyon sa mga isyung pambayan.

Batay ito sa pananaw na ang anumang simbahang nananampalataya sa Diyos ay may tungkulin hindi na lamang upang isulong ang espirituwalidad ng kaniyang mga kasapi kundi ang kagalingang pambayan.

Ginagawa ito ngayon ng Simbahang AND KNK sa pamamagitan ng pagkakaroon ng “editoryal” na inihahayag ng mga Kadugong Broadcasters ng Panginoon, o KBPs, sa AND KNK The One’s Channel, Being One with the One, Everyday.

Naniniwala ang Simbahang AND KNK na kailangang maki-alam ang mga mananampalataya, gaya ng mga Kadugo, sa pamamahala sa gobyerno, o di kaya ay maayos na ugnayan ng mga mamamayan.

Kung mabuti ang pamamahala sa gobyerno, o di kaya ay maayos ang takbo ng lipunang ginagalawan ng sambayanan, magiging maayos din ang pamumuhay ng lahat ng mamamayan.

Sa sinumang interesadong magbigay ng pananaw sa anumang isyung pambayan, Kadugo man o mga kapatid, maaari nilang ipadala ang kanilang mga paksang nais matalakay sa facebook pages ng Simbahang AND KNK sa email address na batasmauricio@yahoo.com.

***

REAKSIYON? Email: batasmauricio@yahoo.com. Cellphone: 0947 553 4855.

The post “Suntok sa buwan” ang pananaw ni BBM sa giyera? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Suntok sa buwan ang pananaw ni BBM sa giyera? Suntok sa buwan ang pananaw ni BBM sa giyera? Reviewed by misfitgympal on Hulyo 06, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.