Facebook

Gladys tunay na may malasakit sa movie press

Ni ROMMEL PLACENTE

SA segment ng show nilang It’s Showtime na Rampanalo, hindi nagustuhan ni Vice Ganda ang sinabi ng contestant dito na “masarap naman po mabuhay bilang mahirap”.
Kaya naman kinorek ito ng Unkabogable Star. Ipinaliwanag niya na mali ang sinabi ng contestant.
Sabi ni Vice,”Iko-correct lang natin ‘yan ha. Kasi hindi tama ‘yung sinasabi nating okay naman maging mahirap.
“Mahirap sila pero mabuting tao sila, okay ‘yon. Mahirap sila, pero mahal sila ng nanay at tatay nila, okay ‘yon. Mahirap sila at nakakapag-aral sila, okay ‘yon. Pero kung may pagkakataong maging mayaman, ayaw mo ba ‘yon?” tanong ni Vice sa contestant.
“Gusto po,” sagot naman nito.
Sabi uli ni Vice, “Yon! Kaya ‘wag mong sasabihing okay, masarap maging mahirap kasi hindi totoo ‘yan. Mali ‘yon, mali. Maling mentality, ha.”
“Mali ang mentality na mahalin natin ang pagiging mahirap dahil hindi. Maraming pagkakataon sa buhay natin na hirap na hirap tayo dahil sa kundisyon ng ating pamumuhay.
“Kaya gagawa ka ng paraan para makatakas doon sa kahirapan na ‘yon, sa poverty. Para kapag nakaanak ka, mapag-aaral mo ‘yung anak mo. Magkaroon siya ng magandang kinabukassn.
“‘Yung asawa mo maging komportable ang buhay. Hindi kayo matatakot kung paano kayo magbabayad ng utang,”aniya pa.
Hirit pa ni Vice,“Mindset, mindset, mindset! Mahirap ako ngayon, mabuting tao ako, pero tatakas ako sa kahirapan. Magiging mayaman ako at mabuting tao pa din.
“We change the mindset, diba? ‘Wag nating niro-romanticize ang poverty.”
***
BIHIRA lang at mabibilang lang talaga sa daliri ang mga artista na may pagmamahal at malasakit sa press na nakatutulong sa kanyang career.
At masasabi namin na isa rito ang mahusay na aktres na si Gladys Reyes.
Noong Wednesday ng gabi, nagkaroon siya ng post birthday party cum thanksgiving party para sa mga press na malalapit at sumusuporta sa kanya mula noon na nagsisimula pa lang siya sa showbiz, at hanggang ngayon.
Siya mismo ang personal na nag-invite sa press. At isa kami sa inimbitahan niya. Naging malapit naman kasi kami ni Chic (palayaw ni Gladys).
During Mara Clara days nila ni Judy Ann Santos, nang una kaming maging malapit sa isa’t isa, at ng kanyang mommy Zeny.
Pumupunta pa kami noon sa bahay nila noong dalaga pa siya. At nakapunta na rin siya sa bahay namin sa Novaliches noong ipagdiwang namin ang aming birthday noon.
Bago ang event proper, kumanta muna ng dalawang kanta ang gwapong anak ni Gladys na si Christophe. In fairness ang ganda ng boses ng binata, huh!
Nang ipakilala na si Gladys ng host ay kumanta muna ito ng isang fast song na naghuhula-hoop siya. Ang husay palang maghula-hoop ni Glays. Hanggang matapos ang kanta niya, hindi nahulog ang hulahoop sa kanyang bewang.
Ang saya-saya ng event ni Gladys. May pa-raffle kasi siya na isa rito ang ini-endorse niyang Wow Fiesta. At ang mga nabunot sa raffle ay pinapakanta niya na ka-duet siya. Talagang kaming mga kaibigan niya sa press ang bida ng gabing ‘yun.
Bukod kay Christophe, present din sa okasyon si mommy Zeny at ang kanyang sister na si Janice, na siyang punong abala ng gabing ‘yun. Wala lang ang mister niyang si Christopher dahil inaasikaso nito ang kanilang mga negosyo.
Nandu’n din ang dalawang malapit kay Gladys na sina Ogie Diaz at Mama Loi.
Samantala, may uumpisahang serye si Gladys titled Black Rider mula sa GMA Public Affairs. At may natapos siyang gawing pelikula na Unspoken Letters, na intended for Metro Manila Film Festival 2023.
To Gladys, maraming-maraming salamat sa pagmamahal mo sa amin!

The post Gladys tunay na may malasakit sa movie press appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Gladys tunay na may malasakit sa movie press Gladys tunay na may malasakit sa movie press Reviewed by misfitgympal on Hulyo 06, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.